Paul's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula nung celebrtaion ng wedding anniversary ng parents ni Yssa. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung inalok ko ng date
si Nicole. Kaya, eto ako ngayon sa harap ng salamin at naghahanda at nagtatanong sa sarili kung tama ba 'tong gagawin kong pakikipagdate kay Nicole.
HAAAAY! Kabanas! Mabait namang babae si Nicole pero, si Yssa na ang mahal ko. Sa loob ng limang buwan na si Yssa lang kasama ko, nahulog na ang loob ko.
*tooot*
3 messages received
From: Genn Angeles:
Uy, dude! Ipaalala ko lang sayo. Sabado ngayon at ngayon kayo magdedate ni Nicole. Kung di ka pupunta, isa lang ang ibig sabihin nun! BAKLA KA! Deh, joke lang! Basta dude, sumipot ka, okay?
Loko talaga 'to. Nireplyan ko na lang ang text niya ng "Okay."
From: Nicole Bongcawil:
Good morning, Matthew! Susunduin mo ba ako or magkikita nalang tayo sa mall? :)
SHT. Eto na nga.
To: Nicole Bongcawil
Susunduin kita sa inyo. Alam ko naman kung saan ka nakatira, eh. See you by 10.
After kong replyan ang text ni Nicole ay tumungo naman ako sa huling text na di ko pa nababasa.
From: YSSAw
Enjoy today. :)
Galing pala kay Yssa. Ba't ang plain ng text niya? May nagawa nanaman ba ako? Medyo cold rin ang treatment niya sa akin these past few days. Di na rin kasi kami gaanong nagsasama gawa ng tambak ang school works namin tsaka busy rin siya. Di ko nga alam kung anong kinabi-busyhan niya. Minsan nga pagmagkasama kaming magbabarkada eh tulala siya. Di ko naman siya matanong kasi tinutusok nila ako at palagi akong tinatabi kay Nicole. Miss ko na nga siya sa totoo lang.
To: YSSAw
Pwede bang tumawag?
Sent.
*toot*
From: YSSAw
Sure.
Pagkareply niya, agad naman akong tumawag sa kanya.
"Hello?" Pagsagot niya.
"Uy." Nahihiya kong sagot.
Takte! Baki nahihiya ako? Ano bang nangyayari sa akin? Kabanas naman oh! Hoooo! Tawag palang 'to nagkakaganito na ako? Sht.
"Paul? Napatawag ka?" Yssa.
"Ah-eh. . . Wala mangungumusta lang sana. Kamusta?" Ako, sabay kuha ko sa gamit ko para makaalis na rin.

BINABASA MO ANG
The Unexpected Fall
FanfictionI just wanted to help you, but what happened? I found myself falling to you. With your simple acts, I started loving you. What if in my one "I LOVE YOU, will you fall in love with me? • • • Story of Alyssa Kate Morente and Paul Matthew Ong.