CHAPTER 17

19 0 0
                                        

Aly's POV

Simula nung biyernes ng gabi. Nung napagtanto ko ang tunay na nararamdaman ko para kay Paul. Napaisip ako ng ilang beses kung tama ba ang nararamdaman ko. Baka kasi, awa lang 'to. Ayaw ko ng ganun. Pero, sa tuwing naiisip ko siya, kakaibang saya ang nararamdaman ko.

Eto ako ngayon, naglalakad papuntang 3TB room. Kakatapos lang ng klase ko at kailangan ko munang magpahinga dahil sumasakit ang ulo ko sa kakaisip tungkol sa nararamdaman ko.

Habang papalapit ako sa 3TB room, nakita ko si Shang nakaupo sa labas ng room.

"Dela Cruz!" Paggulat ko sa kanya.

"Nakngtucha, Morente!" Gulat niyang sabi.

Napatawa naman ako sa reaksyon niya. Kung maiimagine niyo lang ang mukha niya pagnagulat siya! Ang pangit! Deh, joke lang. Mahal ko yan si Shang kahit ganyan yan!

"Sino ang nasa loob?" Tanong ko kay Shang.

"Uh, si Nicole lang. Umalis na yung iba eh. May gagawin ata." Shang.

"Ah, Ganun ba? Eh, ikaw ba--------" Putol kong sabi.

"Doggy!" Sigaw ng isang lalaki habang tumatakbo papunta sa amin.

Bigla naman kaming napalingon ni Shang kung sino yung sumigaw.

Ooooooh. Si Iggy! Remember guys? Yung crush ni Shaira! Haaaay, lumalablayp rin itong isa na 'to eh.

"Uy, Hi Aly! Kamusta?" Bati ni Iggy.

"Uy, Iggy. Okay lang. Uhm, sino si Doggy?" Ako.

"Ah, tawagan namin ni Shang yun." Pag-eexplain ni Iggy sa akin.

"Ah," Yun lang nasabi ko

Chaaar! May call sign pang nalalaman ang lelang mo! Nakngtucha! Ang bakla!

Ngumiti naman si Iggy sa akin at saka hinarap si Shang.

"Uh, pasok muna ako sa loob ah? Para makapag-usap kayo." Pagpapaalam ko.

Pero, bago ako umalis kinurot ko muna sa pwet si Shang. Ang landi eh. Sobra lang!

Habang papasok ako sa 3TB room nakita kong nakaupo si Nicole sa sofa kaya nilapitan ko na.

"Hi Bongcawil!" Pagbati ko sa kanya.

"Uy, Aly. Nandito ka." Mahina niyang sabi.

Parang atang may problema itong si Nicole ah? Bakit kaya? Ano kayang bumabagabag sa kanya?

"Okay ka lang? Parang may problema ka ata?" Ako.

"Ako? May problema? Wala 'to. Pagod lang siguro ako." Nicole.

Tumango nalang ako. Ayoko ko naman siyang pilitin magshare kasi baka nga mabigat ang problema niya. Magsheshare lang yan kung kelan alam niyang di na niya kaya.

Tahimik lang kaming dalawa ni Nicole. Pinatong ko naman ang ulo ko sa may sofa para marelax ang ulo ko.

Habang nakatingin ako sa kisame. Naalala ko naman agad si Paul.

Taena. Parang nasa system ko na siya ah? Kakaiba na 'to. Ba't ba 'to ganito. Nakakaloko. Pero, wala namang masama kung may nararamdaman ako sa kanya diba? Tao lang ako. Natutukso rin!

"Uh, Aly?" Tawag sa akin ni Nicole.

"Hmm?" Ako.

"Diba? Close kayo ni Mats?" Nicole.

The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon