CHAPTER 11

23 2 1
                                    

Aly's POV

Ilang araw na ang nakaraan mula nung nangyari kay Paul sa cafeteria. Naging usap-usapan ito sa school. Pero, bilang kaibigan ni Paul pinakalat ko ring itigil na ang tungkol sa chismis na yun. Eh, paano siya makakamove-on kung everytime dadaan kami sa mga taongng nag-uusap eh yun ang topic nila. Hay naku! Kitang naghihirap na yung tao pag-uusapan pa. Kawawa naman.

Eto ako ngayon. Naglalakad papunta sa next class ko.

Gusto niyo bang malaman anong nangyari sa amin ni Paul nung araw na nasaktan siya? Uhm, wag na. Wala naman nangyaring maganda. As in.

Sige na nga! Isheshare ko na!

Eto lang naman ang nangyari . . . .

Pumunta kami ng Mall. Naghanap kami ng makakainan kasi nga diba. Gutom raw tong kasama ko.

Libot lang kami ng libot pero, walang mapili itong kasama. Kabanas! Ang sarap batukan. Ayaw ng chicken, ayaw ng pasta, ayaw ng karne! Ano bang gusto nito!?

"Sandali nga lang. Ang sakit na ng paa ko. Uupakan na kita. Mag-isip ka nga muna kung saan mo gusto kumain!" Galit kong sabi.

"Wag ka ngang magalit. Gutom na talaga ako." Paghawak niya sa tiyan niya.

Napaisip ako. Asan ba ang pwedeng makainan na meron ang lahat? Saan ba? Doon nalang kaya? Tama! Mayaman naman tong kasama ko.

"Alam ko na. Hali!" Paghila ko ng kamay niya.

"Kelangan talaga hilain?" Pagtatanong niya.

"Oo. Ang bakla mo kasing gumalaw." Ako.

"Ako? Bakla? Sure ka?" Paul.

"Sure na sur----" Biglang naputol ang sasabihin ko ng hilain niya ang kamay ko tapos nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Kung halikan kaya kita? Sasabihin mong bakla parin ako?" Mapang-asar niyang ngiting sabi.

Nagkatinginan lang kaming dalawa. Ang gwapo niya pala. Bakit di ko na pansin na ganito pala kagwapo ang ugok na 'to? Ang gwa---- ay takte. Ano ba to! Erase! Erase!

Nilayo ko ang tingin ko sa kanya at binitawan ang kamay niya. Nauna na akong maglakad sa kanya. Di ko na siya nilingon kasi alam kong sumusunod siya.

Tumigil na ako ng makarating kami sa isang restaurant.

"Vikings? Seryoso?" Sabi niya.

"Eh sa hindi ka makadesisyon kung anong kakainin mo eh. Kaya dito tayo! Bilis magbayad kana! Para makapasok na tayo!" Ako.

"Sige sige. Sandali lang." Siya.

Taena. Ano ba yung nangyari kanina. Ano ba yung pinagsasabi ko. Tae. Wala lang yun diba? Wala yun. Sus. Broken hearted yung tao. Malakas lang ang trip ng gago. Tama! Ang lakas lang talaga ng trip niya.

"Hoy Yssa! Di ka maka-get over kanina noh? Nagwapuhan ka ba sa akin?" Pagtaas baba ng kilay niyang sinabi.

"Asa! Sa oras na gagawin mo yun ulit, uupakan na talaga kita." Pagbanta ko sa kanya.

"Asuuus. Sabihin mo na kasi ang totoo." Siya.

"Isa pa. Iiwan na talaga kita dito." Ako.

"Wag. Wag mo ako iwan, please." Pagmamakaawa niyang sabi.

Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya. Seryoso niyang sinabi yun.

The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon