CHAPTER 15

29 1 0
                                    

Chapter 15 na tapos December 15 pa talaga! Tamang-tama birthday mo! This is for you, She! Happy Birthday, Zaykenieee!

Sorry sa mga grammatical errors and typo. Enjoy reading!

Aly's POV

Gummy bears I want!

Gummy beaaaaaars!

"Alyssa Kate, Bangon na."

Gummy bears pa more, please.

Gummy bears! Gummy bears!

"Alyssa Kate!" Sigaw ni mama.

"Alyssa Kate!" Sigaw ko rin paggising ko.

"Aba, ang hirap mo naman atang gisingin ngayon, Alyssa Kate? Anong nangyayari sayo?" Mama.

Napakamot nalang ako ng ulo at humiga ulit.

Ang aga-aga binubalabog ako ng mga tao! Marami nang Gummy Bears eh! Yun na yun! Haaaaay! I wish Gummy Bears' world exist.

Pinalo naman ako ni Mama.

"Aray! Ano ba Ma? Ang aga-aga pa po oh. Ala sais pa lang ng umaga." Pagrereklamo ko.

"Aba, kasalanan ko bang maaga rin yung susundo sayo? Hala! Maligo at magbihis ka na. Nakakahiya naman doon sa taong naghihintay sayo." Pagnonobela ni Mama sa akin.

"Ma naman! Niloloko mo naman ako eh. Sino naman pupunta dito sa bahay ng ganitong oras para sunduin ako?" Pangangatwiran ko.

"Aba malay ko! Kaibigan mo raw eh. Sige na! Bilisan mo na jan. Maghahanda na ako ng agahan para bago kayo umalis ng kasama mo eh, makakain kayo." Sabi ni Mama sabay alis.

Haaaaay! Taena. Sino ba kasi yang tao na yan! Ang aga-aga namang mambabadtrip ng buhay ko.

Dahil sa hindi na man rin ako makabalik sa gummy bears' world. Naligo at nagready nalang ako para school.

Habang naghahanda na ako ng gamit ko para sa school, bigla naman sumigaw ang uliran kong ina.

"Alyssa Kate! Bilisan mo jan! Bago kita kaladkarin palabas ng kwarto mo." Pagsisigaw ni Mama.

"Opo! Bababa na." Sigaw ko.

Habang pababa naman ako ng hagdanan, may naririnig akong kausap ni Mama at Papa sa dining.

"Ah, Accountancy ka rin pala?" Papa.

"Ah, opo."

Teka. Kilala ko kaninong boses yun ah? Wag mong sabihing si . . . . .

Agad naman akong tumakbo papunta sa dining at nakita ko siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa table.

"Hi Yssa!" Paul.

Opo, si Paul nga po! Siya nga po. Super duper siya talaga po ito ngayon!

"P-paul? What on earth are you doing here? How did you know where I live?  Why are you talking to my parents?" Agad-agad kong tanong.

Aba! Nagulat lang naman po ako! Ke-aga-aga isang gwap---- ay isang loko-loko na nilalang ang makikita ko at kausap niya pa ang parents ko.

Binatukan naman agad ako ng Mama.

"Umayos ka, Alyssa Kate!" Pagbabanta sa akin ni Mama. "Sige lang, Iho. Kain lang. Hayaan mo yang si Alyssa Kate." Pag-aasikaso ni Mama kay Paul.

The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon