Paul's POV
"Someday, you're going to thank me for doing this." Aly.
Urgh. Ano ba yun! Bakit paulit-ulit ko nalang naririnig sa utak ko. Ano bang gusto niyang iparating!? Kainis naman oh. Ang gulo na nga ng buhay ko, mas guguluhin pa!? Hay naku!
Ako nga pala si Paul Matthew Ong. Well, 17 years old na ako and Accountancy ang tinetake ko. Actually, di naman talaga ganito ugali ko eh. Siguro, epekto lang 'to ng pinagdadaanan ko ngayon. Oo, pinagdadaanan.
Saklap kasi eh. Iniwan ako ng babaeng pinakamamahal ko. Halos lahat ng pagmamahal na meron ako binuhos ko na sa kanya. Oo, si Grace Petonio ang ibig sabihin ko.
Nagkakilala kami nung highschool. Actually, we started off as friends. Hanggang nung fourth year highschool umamin ako sa kanya sa tunay kong nararamdaman. Tulad lang ng mga pag-ibig sa mga pelikula. Niligawan ko siya, sinagot niya ako. Minahal ko siya, minahal niya ako. Nagkaproblema kami. Lumaban ako, sumuko siya. Hinawakan ko ang kamay niya, kumalas siya sa hawak ko. At pinakamasakit sa lahat? Iniwan niya ako.
Haaaay. Di ako naniniwalang di na niya ako mahal o minahal. Hello?!?! For 2 years? Alam kong iba ang rason ni Grace. Iba yan. Kilala ko siya. Mahal ko siya. Ang kailangan ko lang gawin, lumaban.
"Kung hahayaan mo ang sarili mong umasa, siguraduhin mong sa sigurado. . . . ." Aly.
Sigurado naman ako ah? Ano ba! Gulung-gulo na talaga ako! Anakngtucha naman oh! Hay naku!
*toktoktok*
"Sir Mats, di po ba kayo kakain? Male-late na po kayo." Yaya.
"Ah, saglit lang 'ya. Maliligo lang muna ako." Ako.
Habang naliligo ako at naghahanda bigla akong napa-isip sa mga sinabi ni Aly. Hmm. Bakit niya kaya alam? Masyado bang halata? Pero, di naman siguro niya kilala ang babae. Mas maganda na yun. Safe! At least, di magkakanda-leche leche ang mga gagawin ko. Walang sagabal ang aking paglalaban.
Pagkatapos kong naghanda, bumaba na ako at pumunta sa dining.
"Oh, Mats. What took you so long?" Mom.
"Ah. wala po, Ma. May tinapos lang po akong assignments." Ako.
"That's good to hear. Himala ata hindi ka nagbubulakbol ngayon?" Tanong ng kontrabida kong Ama.
"Because you're busy hearing my bad side, diba Dad?" Ako.
"Don't start with me, Mats. I'm not in the mood to start a fight with you." Dad.
"Well, I'm not in the mood to eat my breakfast with you, then." Aakmang tatayo na sana ako pero, pinigilan ako ni Dad.
"I just want to let you know that I'm still your father and I deserve some respect." Mariin na sabi ni Dad.
"Just so you know too, Dad. I'm still your child and I deserve to be understand." Ako.
"Enough the two of you. Di na kayo nahiya? Sa harap pa kayo ng pagkain nag-aaway." Mom.
"I'm sorry, Mom. I need to go." Ako sabay alis sa dining.
Badtrip naman oh. Ang aga-aga ganun na agad ang scenario namin mag-ama. Tss. Simula nung bata ako, ganyan na ang Ama ko. Ewan ko ba. He's very full of himself. Nakakainis na minsan.
Habang papunta ako sa garahe namin para kunin ang kotse ko. Bigla pumasok si Grace sa isip ko. Sa panahon na ganito kami ng Ama ko, siya agad ang nilalapitan at kinakausap ko. Alam niya kasi kung paano ako pakakalmahin. Hay naku, kelan kaya yun mangyayari ulit?
BINABASA MO ANG
The Unexpected Fall
FanfictionI just wanted to help you, but what happened? I found myself falling to you. With your simple acts, I started loving you. What if in my one "I LOVE YOU, will you fall in love with me? • • • Story of Alyssa Kate Morente and Paul Matthew Ong.