CHAPTER 13

58 3 3
                                    

Aly's POV

Saturday Morning.

"Anak, Gising na. Diba may lakad ka?" Paggigising sa akin ni mama.

"Mmmm-po. Tatayo na po ako maya-maya." Ako.

Takte naman kasi. Bakit ngayon ko pa naisipan na gawin ang first step ko sa "OPERATION MOVE-ON" ni Paul. Kukulangin pa ata tulog ko nito.

Bago ako tumayo, kinuha ko muna ang cellphone kong nasa table katabi ng higaan ko.

×2 message received.

From: Aries

Hey, bilisan niyo ng i-mamake overan namin ha? As in, bilisan niyo talaga. May date pa kami, okay? Thank you.×

Eto namang mga babaeng to! Para isang araw lang di pa bibigyan ang favor. Palibhasa, lumalablayp. Haaay. Pag-ebeg nga naman.

Nang tingnan ko ang isa pang message kay Paul galing. Binuksan ko at binasa.

×From: Paul

Hoy YSSAw, tuloy ba tayo? Baka kasi tulo laway ka pa. Magpahinga ka nalang muna. Tsaka nalang natin gawin ang first step kuno. Goodmorning! :)×

Napangiti naman ako sa text ni Paul. Nag-aalala rin pala siya sa akin? Kinili-------- ay. Wala. Wala. Wala!

After nung pinag-iisip ko, nireplyan  ko si Paul. Sabi ko na magready na siya at magbihis dahil pupunta na ako maya-maya sa kanila.

Naligo na ako at nagbihis. Simpleng sweatshirt, pants at nagshoes lang ako ngayong araw na ito. Di ko kasi alam ang susuotin ko.

Bumaba na ako para pumunta sa dining at mag-agahan. Binati ko ng goodmorning sina Mama at Papa. Yung Ate ko? Ayun! Tulo laway pa sa kwarto niya.

Actually, tatlo kaming magkakapatid yung bunso namin. Meron kina Lolo, Fourth year highschool na yun. Siguro next year dito na yun mag-aaral kasama namin.

Ay ano ba yan! Bakit nagshare na ako ng talambuhay ko. Makabalik nga sa reality!

"Saan ka ba pupunta anak at ang aga mong gumising?" Papa.

"Bilang isang mabuting mamayan, ako ay tutulong sa aking kapwa upang makita niya ang tunay na daan patungo sa ikauunlad ng kanyang buhay at lovelife." Ako.

Napailing nalang ang Papa ko at binatukan ako ng Mama ko.

"Aray! Ba't ka ba nambabatok Mama? Alam mo bang pwede kitang kasuhan sa iyong panghaharass sa akin!?" Pagbibiro ko kay Mama.

Napaupo nalang si Mama at hinawakan ang noo niya.

"Hay! Bakit ka ba ginawa namin ng Papa mo?" Mama.

Tumingin naman ako kay Mama ng nakakaloko.

"Ikaw Mama ha! Pa oh! Si Mama! Tumo-throwback!" Ako.

Nakatanggap naman ako ulit ng sapak sa nanay ko.

"Tumigil kana Alyssa Kate kundi ipapaiwan ko ang sasakyan." Mama.

"To naman si Mama. Di majoke! Mauna nga ako baka di mo pa ipahiram ng tuluyan ang sasakyan. Bye Ma! Love you!" Ako.

"O sige, Love you too." Mama.

"Pa, alis na po ako. Mwuaaaa!" Pagpapaalam ko kay Papa with matching flying kiss.

"Sige, Ingat anak!" Papa.

Habang papunta ako ng sasakyan. Tinext ko si Paul na papunta na ako.

Nang makasakay ako bigla naman siyang tumawag.

The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon