Paul's POV
"Grabe! Feeling ko ang macho ko." Pagmamalaki ko kay Yssa.
"Pagmumukha mo. Nagkarga ka lang ng isang karton na puno ng condense milk macho kana? Lakas makafeeling ha!" Pang-aasar ni Yssa sa akin.
Nandito kasi kami sa bakeshop ng kaibigan ko. Napag-utusan kasi si Yssa na bumili ng cake para sa anniversary party ng parents niya. Akalain mo yun? Buti pa parents niya.
"Wow ha. Salamat sa suporta! Sobra!" Pagpinch ko sa ilong niya.
"Ano ba! Ang ilong ko!" Pagpalo niya sa kamay ko.
"Sus. Tama lang ginawa ko. Para tumangos naman ang ilong mo!" Pang-aasar ko sa kanya.
"Paky*." Malutong niyang pagmura sa akin.
Hinilot-hilot niya ang ilong niya siguro masakit ang pagpinch ko. Namula kasi eh. Paglalambing lang naman yun sa kanya.
Dalawang linggo na rin ang nakalipas nung nagsimula ang second semester. At salamat sa Diyos at nakapasa kami ni Yssa. Yun nga lang, wala talaga kaming subject na classmates kami. Pero, sabay naman ang mga break namin kaya oks lang. Para mabantayan ko siya sa mga karibal ko.
"Morente? Your cake is ready." Pagtawag ng cashier.
Bigla naman kaming tumayo ni Yssa sa kinauupuan namin at pumunta sa mag cashier.
"Magkano ho?" Yssa.
"One thousand po." Cashier.
Kinuha naman agad ni Yssa ang pera sa wallet niya saka inabot sa cashier ang pera.
"Salamat Ma'am! Balik po kayo." Cashier.
Kinuha ko naman ang cake saka dinala sa kotse ko.
Nung makarating kami sa kotse, binuksan ni Yssa ang likod na pintuan.
"Ayusin mo! Baka masira! Mahal pa naman yan!" Yssa.
"Ang kuripot mo naman para one thousand lang?" Ako.
"Sorry naman kasi sa mayaman!" Yssa.
"Nagsalita!" Ako.
"Di kami mayaman nooooh." Pagsakay niya sa sasakyan ko.
"Di mayaman! Sa pagkakaalam ko, your family is known to be family of professionals. Ibig sabihin, perfect kayo. Ibig sabihin, mayaman!" Pang-aasar ko.
"Sila lang yun, hindi ako kasali dun." Plain niyang sabi at saka bumelat.
Bigla tumunog ang cellphone ni Yssa.
"Ma? . . . Opo. Meron na po. . . . Alas syete po? . . . Sige po. . . Bye." Pag-end ng call ni Yssa.
Huminga naman siya ng malalim saka humarap sa akin.
"Alas syete pa raw ang party. Kailangan raw nasa bahay na tayo ng Alas sais. Okay lang ba?" Siya.
"O naman. Daan lang muna tayo ng bahay. Kukunin ko yung wine na ibibigay ko sa parents mo." Ako.
"O sige." Siya.
Kanta ng kanta kami ni Yssa bumabyahe papunta sa bahay namin. Kasi singer raw kami. Pero, sa totoo lang? Ang galing niyang kumanta. Nakaka-inlove lalo.
Nakarating nalang kami sa bahay wala paring tigil sa pagkanta si Yssa.
"Dito nalang ako, Paul. Hintayin nalang kita dito." Pakanta niyang sabi sa akin.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Fall
Fiksi PenggemarI just wanted to help you, but what happened? I found myself falling to you. With your simple acts, I started loving you. What if in my one "I LOVE YOU, will you fall in love with me? • • • Story of Alyssa Kate Morente and Paul Matthew Ong.