Paul's POV
Halos ilang araw na rin ang nakalipas at tapos na ang finals namin. Tngna! Sa isang buong linggo wala akong tulog alam mo yun? Nakakatuyo ng dugo, brad! Dagdagan mo pa na hindi ako pinapansin ni Yssa. Saklap, brad. Akala ko after nung pag-uusap namin, okay na kami. Hindi pa pala. Kabanas!
Eto ako ngayon, nasa malambot kong higaan. Sabado ngayon at sembreak na! Ayos lang! Ano kayang magandang gawin ngayong araw na ito? Ngayong sembreak?
Magswimming? Pwede!
Umakyat ng bundok? Pwede!
Hmm, ano pa kaya?
Suyuin si Yssa? Pwedeng-pwede pero, paano?
Haaaay! Ano ba 'to nakakainis! Feeling ko, ang boring ng sembreak ko. Siguro matutulog nalang ako. Para mas tumangkad at gumwapo ako.
After 3 hours . . . .
"Pinsan!"
"Mats!" Sino ba 'to at nanggugulo.
"Mats! Gising! Hoy!" Tangnes. Ang kulit talaga alam natutulog ako
"Uy Aly! Napadaan ka?" Si Yssa? Nandito?
Agad naman ako napatayo at napatingin sa pintuan. "Yssa?!"
Tawa naman ng tawa itong nasa harapan ko ngayon. Gago talaga tong si Gennard eh. Ang gago lang talaga.
Wala pala si Yssa dito! Nakakainis! Ano bang problema nitong gago na 'to.
Tiningnan ko ng masama si Gennard at inismadan. Babalik nalang ako ng tulog.
"Uy uy uy. Wag ka nang matulog. Aalis tayo. May gagawin tayo!" Pagpipigil sa akin ni Gennard.
"Bahala ka. Nakakainis ka! Alam mo yun?" Ako.
"Sorry naman! Eh sa ayaw mong magising eh. Si Aly lang naman pala ang katapat mo!" Pang-aasar niya sa akin.
"Ewan ko sayo." Pagtakip ko ng unan sa mukha ko.
"Uy, sige naaa! Tumayo kana!" Gennard.
". . . ." Ako.
"Uy, Mats! Sige na! Beach tayo. Kasama ang barkada." Gennard.
Ang barkada? Ibig sabihin meron si Yssa. Inangat kong kunti ang unan na nakatakip sa mukha ko.
"Mats! Sige na!" Gennard.
". . . ." Ako.
"Ayaw mo bang sumama?" Gennard.
". . . . . ." Ako.
"Bahala ka nga. Sasabihan ko nalang sila na ayaw mong sumama o di kaya'y masakit ang ulo mo. Magsisinungaling nalang ako. Magsisinungaling nalang ako kay Aly." Sabi ni Genn.
So, meron nga si Aly? So, chance ko na rin itong makausap siya ng masinsinan. Chance ko na ring magsorry sa kanya ng sobra sobra!
"Mauna na ako, Mats! Dadalhan nalang kita ng white sand!" Pamamaalam ni Genn.
Nang marinig ko nang i-open niya ang door, tumayo naman ako at naglakad papuntang CR.
"I'll be out after 30 minutes. Wait for me." Ako.
"Yun yun eh! Sigesige! Overnight tayo dun ha!" Masayang sabi ni Genn.
Yeah, I'm going because of Yssa. I miss her so damn much. I want her back to my life.
"Oto mo nalang gamitin natin, Mats! Wala akong gas eh." Genn.
"Saan na ba ang iba? Let's fetch them." Ako.
BINABASA MO ANG
The Unexpected Fall
FanfictionI just wanted to help you, but what happened? I found myself falling to you. With your simple acts, I started loving you. What if in my one "I LOVE YOU, will you fall in love with me? • • • Story of Alyssa Kate Morente and Paul Matthew Ong.