CHAPTER 19

15 0 0
                                    

Aly's POV

"Aly, samahan mo muna kami sa mall. Sige na!" Pangungulit ni Shang at Nicole.

Alam niyo bang kanina pa sila kulit ng kulit sa akin na samahan ko raw sila sa mall kasi nga raw may bibilhin sila. Eh, alam naman nilang ayaw ko ng mga ganyang bagay. Isasama pa nila ako! Mga  loko loko naman pala 'to eh.

"Ang kulit niyo ha. Kanina pa ako naiirita!" Inis kong sabi sa kanila.

"Eh kasi naman, Aly. Sige na!" Nicole.

"Eh bakit ba? May gagawin pa ako. Nagmamadali ako. Kailangan kong pumunta sa 3TB room. Meron akong------" Ako.

"Wag!" Sabay na sigaw ni Nicole at Shang.

"Anong wag? Bakit? Bawal na ba akong pumunta doon?" Ako.

"We mean, Wag! Wag kang magWag sa amin. Sige na, Aly! Kailangan namin ng car." Shang.

Masama kutob ko rito. May ginagawang kagag*han ang mga 'to. Malamang prank nanaman 'to!

"Ano ako? Driver niyo?" Ako.

"Sige na, Aly! Please!" Nicole.

Takte Nicole! Wag ka nga. Masyado na kong naging mapagbigay tama ng binigay ko------ah! Shete!

"Aly, Promise! Kami bahala sa gas ng oto mo. Sige na, Please!" Shang.

Tiningnan ko sila ng masama.

"Umamin nga kayo, may di ba akong alam na kagaguhan niyo at ayaw niyo ipahuli sa akin?" Seryoso kong tanong sa kanila.

"Ano kami? Murderers? Loko ka ba?" Pagbatok sa akin ni Shang.

"Aray ha!" Paghimas ko sa ulo ko.

"Aly naman kasi! Sige na!" Nicole.

"Hay! Ano ba? Basta, ayaw ko, okay? Bahala kayo." Pagtayo ko sa kinauupuan ko.

"Aly! Asan ka pupunta?" Shang.

"Kung saan wala kayo! Ang kukulit niyo kasi!" Inis kong sabi.

Hinawakan naman agad ng dalawa ang damit ko.

"Dito ka lang! Bawal kang umalis!" Silang dalawa.

"Ano ba! Tangna ha! Bitawan niyo ako! Ang damit ko!" Naiinis kong sabi.

Binitawan naman ako agad ng dalawa.

"Kayong dalawa ha. Naiinis na ako. Alam niyo naman na pinaka-ayoko sa lahat diba ang hinihila ang damit ko!" Inis kong sabi sa kanila sabay alis.

Kabanas! Ang pinaka-ayoko sa lahat eh yung hinihila ang damit ko. Mahalaga sa akin ang damit ko noh! Pawis nila Mama at Papa ang gamit pambayad dito! Aba! Vina-value ko lahat ng binibigay sa akin ng parents ko. Pinaghirapan nila eh.

Yan tuloy, imbes pupunta ako sa 3TB room pumunta nalang ako ng Roxas. Kakain nalang ako ng kwekkwek at fishball. Wala pa akong lunch gutom na gutom na ako.

"Yssa!"

Isa pa 'tong makulit. Alam niyo bang walang araw na hindi kami nagkikita? Ewan ko ba sa kanya. Lately, iba na siya makitungo sa akin. Kumbaga ba, lahat ng ginagawa niya merong katumbas na kahulugan. Ayaw ko namang mag-isip ng sobra syempre, HELLO! Nasa moving forward stage pa ako. Di pa kasi ako nakakaget-over sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Yssa!" Pagsuntok niya sa braso ko.

"Ano ba! Wag mo akong bwisitin ngayon, Paul!" Matigas kong sabi.

The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon