CHAPTER 18

12 0 0
                                    

Aly's POV

Ilang araw na rin ang nakalipas simula nung nag-usap kami ni Nicole. Medyo iba na ang pakikitungo ko kay Paul kasi nga para kay Nicole. Pero, di ko naman pinapahalata na umiiba ang timpla ko sa kanya kasi syempre, kaibigan ko na rin siya. Medyo binabawasan ko lang pagiging close sa kanya. For the sake of friendship. Laslas!

Hay, nandito ako ngayon sa balkonahe ng bahay namin, kasi weekend ngayon at himala! Maaga at kong nagising ngayon for no apparent reason!

Nagmukmok lang ako dito at tumitingin sa malayo. May iniisip kasi ako.

Si Paul ba yan?

Anong si Paul? Di ah. Iba ito. Mas importante.

Mas importante pa sa nararamdaman mo?

Oo naman! Si Paul? Sus. Asa.

Promise?

Promise!

Talaga?

Tngna! Oo na! Iniisip ko na si Paul. Nakakainis naman oh! Di ko alam pero, namimiss ko na yung dating kulitan namin. Pero, kailangan ko ng iwasan may masasaktan at ayaw ko ng ganun.

Haaaay. Tulad ngayon! Sa sobrang pag-iisip ko sa kanya parang nasa harap ko na siya. Nakatayo at nakangiting gwapo. Para bang totoong nasa harap ko siya!

Ano ba yan! Bakit nagdedaydream na ako! Ganito na ba kalala ang nararamdaman ko para kay Paul? Haaaaay.

"Ang gwapo mo talaga Paul." Nakangiti kong tingin sa kanya.

Masabi ko lang na anong gusto ko sabihin sa kanya. Okay lang basta nasabi ko! Bahala na magmukha akong tanga.

"Talaga, Yssa?" Sabi niya.

T-teka? Nagsasalita siya? Ang tibay rin ng daydream ko ha. Nagsasalita talaga siya sa akin. Hay naku, Paul! Walang hiya ka talaga! Di ka na nakuntento sa puso ko pati ba naman sa utak ko!?

"Yssa?" Pagwave niya sa mukha ko.

"Earth to Yssa?" Nagsalita siya ulit.

"Hoy Yssa!" Pagtapik niya ng cheeks ko.

T-teka? Hinawakan niya ang pisngi ko ibig sabihin?

Inuntog ko ng malakas ang ulo ko sa table.

"Aray!" Ako.

"Hoy Yssa! Ano ba yang ginagawa mo. Para kang siraulo! Itigil mo nga yan!" Pagpipigil sa akin ni Paul.

Tumayo naman agad ako at hinawakan ang ulo ko.

"Bakit ka nandito? Paano ka nakapasok? Ano ang kailangan mo!?" Mabilis kong tanong.

"Teka nga lang Yssa! Wag ka masyadong maraming tanong." Pagpapakalma niya sa akin.

"Paano ako hindi magtatanong eh bigla-bigla ka nalang susulpot dito sa bahay namin. Dito sa balkonahe ng bahay namin!" Ako.

"Parang ikaw lang? Bigla-biglang nagsasabi na gwapo ako?" Nakakaloko niyang ngiti.

Tangna! Narinig niya! Ibig sabihin, siya rin yun kausap ko! Aaaaaargh! Kainis! Kailangang malusutan ko 'to siguradong about langit nanaman itong pagtutukso niya sa akin!

"Ha? Ikaw? Gwapo? Asa dude! Ipray mo nalang yan!" Pagtalikod kong sabi sa kanya.

"Idedeny pa. Narinig ko naman." Siya.

Aba't! Tangna talagang lalaki ko to ah? Nakakainis! Nakakabanas! Nakaka-inlo-----ay wala! Shet.

"Nagdedaydream kasi ako about Adam Levine! Hindi ikaw yun. Asa!" Pagdedepensa ko.

The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon