CHAPTER 14

59 1 0
                                    

Aly's POV

Langya! Di ako makatulog ah. Alam niyo ba kung bakita? Taenes! Di maalis sa isipan ko si Pa--------Si Papa! Oo, si Papa. Tama!

Haaay. Mag-aalas kwatro na sa umaga pero, eto di parin ako nakakatulog.

Napagdesisyunan kong tumayo at pumunta sa banyo. Mas nakakapag-isip kasi ako ng maayos kapag nasa banyo ako.

Hmm, ano bang magandang gawin? Tapos ko na ang assignments ko and all. Ano pa ba? Hmm. Tiningnan ko ang relos ko at napa-isip.

Sunday ngayon, alas kwatro i-medya. Bagong araw ng week. Hmm, aha! Alam ko na!

Dali-dali naman akong nagpalit ng damit. Simpleng shorts at t-shirt lang okay na 'to.

Dahan-dahan kong kinuha ang susi ng sasakyan at umalis.

Pupunta nalang ako kina Paul. Gagawin namin ngayon ang second step ng "OPERATION MOVE-ON".

Nang makarating naman ako sa bahay nila Paul. May Aleng nagwawalis sa harap ng bahay nila. Kaya lumapit na ako.

"Excuse me po. Uh, kilala ni po ba si Pau----ay este Mats po?" Ako.

"Si Sir Mats po ba? Ah, oo. Nagtatrabaho po ako sa kanila. Bakit?" Si Ale.

"Uy, sakto. Ah, Ate ako nga pala si Aly. Kaibigan ni Mats. Eh, Ate pwede bang papasukin niyo ako sa loob at samahan sa kwarto ni Mats?" Pagpeplease ko kay Ate Ale.

"Ano pong gagawin niyo sa kwarto ni Sir Mats?" Tanong ni Ate Ale.

"Ah, tinutulungan ko po kasi siyang magmove-on kaya isa po to sa mga steps ng pagmomove on niya." Pag-eexplain ko kay Ate Ale.

"Ah, ganun po ba? Kayo rin po ba ang tumulong na mas gumwapo si Sir Mats?" Ate Ale.

"Parang ganun na nga po." Ako.

"Ah, hali ka po. Pasok ka po." Pag-aya sa akin ni Ate Ale.

Habang gina-guide niya ako papunta sa kwarto ni Paul. Lumibot naman ang tingin ko sa bahay nila Paul. Tae! Ang laki! Parang mansion na 'to ah? Meron pang hagdanan na parang sa mga fairytale na story.

Di ako na orient na mayaman pala 'tong sila Paul. Tae. Kaya naman pala parang barya lang sa kanya yung kumain kami sa Vikings.

Habang naglalakad kami ni Ate Ale papunta sa kwarto ni Paul. Kinausap naman niya ako.

"Alam mo, Miss-----" Putol na sabi ni Ate Ale.

"Ah, Aly nalang po." Ako.

"Ah, Manang Lita nalang rin pala." Ate Ale, ay Manang Lita pala.

"Alam mo Aly, ikaw pa lang ang nakilala kong kaibigan ni Sir Mats. Si Genn kasi, pinsan naman niya si Sir Mats. Si Grace naman girlfriend ay ex na pala. Kaya ikaw palang nakilala kong kaibigan talaga ni Sir Mats." Pagshe-share ni Manang.

"Ah, ganun po ba? Bago lang rin po kami nagkakilala ni Mats, Manang eh. Hayaan mo po. Makikilala niyo rin ang ibang kaibigan ni Mats." Ako.

"Mabuti naman. Alam mo bang mabait na bata si Sir Mats?" Manang.

"Si Mats po mabait? Magkano po ba ang binabayad sa inyo dito, Manang?" Pagbibiro ko kay Manang.

"Ikaw talaga! Palabiro ka palang bata ka." Pinalo niya ako sa braso ko.

"Mabait si Sir Mats. Sobra. Bigla lang siyang naging masungit nung nagkahiwalay sila ni Grace pero, ngayon di na siya ulit nagsusungit. Parang, okay na ata siya eh." Manang.

The Unexpected FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon