Hello diary. Sisihin mo yung author na batugan kung bakit ngayon lang kita nakamusta. Pero alam mo? Marami akong ikukwento sayo. Hihihi.
Alam mo ba diary, hindi lang ako nawiweirdohan dyan sa Lee Min Ho na yan. Sobrang nawi-weirdohan na ko. Ang pogi na nga sana e. Tsk tsk. Alam mo ba? Kaninang uwian nakita ko sya sa classroom mag-isa. May naiwan kasi akong portfolio. Nakatalikod sya at nasa isang sulok. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya pero mura sya ng mura tapos ungol ng ungol. Nakayuko lang sya at parang may hawak sa ibaba. Baka nagtetext? Pero bakit sya umuungol?
Di rin nagtagal at parang napansin nya yatang may tao. Inayos nya yung sarili nya tapos humarap sakin na pawis na pawis. Ay jusko. Ano bang ginagawa nitong taong to? Patawa-tawa rin sya at pakamot kamot ng ulo na parang nahihiya. Nag-worry tuloy ako kaya kinausap ko sya.
"Ano bang ginagawa mo dun sa sulok?" tanong ko pero umiwas kaagad sya ng tingin sakin sabay sabing "Wala, wala, basta."
Hindi ko alam kung naiirita ba sya sa pagtatanong ko. May kinalaman ba ko dun? Sasabihin nya lang naman kung anong klaseng work out yung ginagawa nya dun, baka sakaling ma-try ko pero di nya magawa. Hay.
Nagkibit balikat nalang ako sabay talikod para hanapin yung portfolio ko. Habang naghahanap ako sa shelves, naramdaman ko sya sa likod ko. Hindi ako nakagalaw nung naramdaman ko yung hininga nya sa tenga ko.
"Kung may nakita ka man, sorry. Hindi ko lang talaga mapigilan."
Paglingon ko, wala na sya sa likod ko. Ang bilis naman nung lalaking yun.
Ah hindi!
Baka doppelganger nya yung nakita ko!
Jusko.
Sa sobrang takot ko, madalian akong lumabas sa room sabay sara ng pinto. Hinanap ko nalang sina Kyle para may kasabay akong umuwi. Mahirap na, baka-mabudol-budol na naman ako o baka sundan ako nung multo, wala pa naman akong kasama.
Exciting na yan para sakin, walang basagan ng trip.
Tunay na nagmamahal,
Atih Lisette.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
فكاهةNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?