Hi Diary. Nakakapagod palang pumasyal sa Dubai. Muntik nang dumiretso ang hair ko! Kaloka. Pero muntik lang naman. Hihihihi. Gusto mo magkwento ako sayo ng mga nangyari? Oh sige, eto.
Kanina alam mo ba, nabatukan ako ni Kyle ng wala sa oras. Paano kasi, kanina namimili kami ng damit. After naming bumili ng muscle tee, nagpunta naman kami sa bilihan ng pants. Nakakita kami ng acid wash na medyo ripped. Bagay na bagay sa’min. Kaya nagsukat ako ng isa. Pagkapakita ko kay Kyle, nagkalaglagan naman ‘yung mga barya ko sa bulsa. Syempre pinulot ko. Pagkaluhod ko, napatingin ako sa pants ko sabay sabi ng “Ay, punit” tapos sabi nung tindera, “Ganyan talaga ‘yah hija”. Aba edi, pahiya bente tuloy ako sa mga nakakita nung mga oras na yun.
Isa pa diary, habang pinagpapatuloy ko ang pagpupulot ng barya sa sahig, may nakita akong kamay ng lalaki na tumutulong sa’kin magpulot. Akala ko si Kyle kasi sabi ko ‘wag na. Pero sabi n’ya “no, let me help you”. Eh asa naming englishin ako ni Kyle ng ganun! I mean, oo imposible pero ang lamig ng boses at parang ang cool. Pag-angat ko ng ulo ko, nakakita ako ng isang Greek God! Matangkad sya, may black na mahabang buhok at parang ang macho macho nya tignan. Na-starstruck naman ako. Hindi ko inakalang may mapapadpad na ganun doon sa Dubai! Nagpasalamat ako sa kanya tapos ang pogi nya pa nung nginitian nya ako. Yie medyo ang kire ko na no? Nakakakilig kasi eh.
Ang malupit sa lahat nang yan, nakasakay namin s’ya sa bus. Medyo hindi na ako nag-pay ng attention sa kanya kasi baka mainlab pa ko. At feeling ko kapag nainlab ako sa kanya, eh magtataksil na ako dun sa crush ko sa section namin.
Gusto mong malaman kung sino?
Syempre secret muna! Pero gusto mo ng clue?
Asa ka, next time na.
Nagmamaganda sa mga oras na ‘to,
Lizetz
-
Kapag nanalo kami sa sayaw bukas, maga-update ako. Hahaha. Hi Marc, eto na :p
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
HumorNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?