Hey diary. Alam mo ba, wala namang katangahang nangyari ngayong araw. Pero may kukwento ako sayo. May bago kasi akong nakilala. Hindi ko sya kaklase pero kapansin kapansin talaga sya. Lower year level sya pero hindi ako sigurado kung ano.
So ito na nga, kanina kasi, nakatambay kami sa tindahan ng fishball. Madalas, marami talagang estudyante dun dahil masarap nga naman kasi ang balls ni kuya. You know, fish ball, squid ball, volleyball, basketball, wag kayong dirty minded (naks, dirty minded). Tapos kasama naming yung isang kaklase naming na medyo tumotropa na din samin. Gavin ang pangalan. Gwapo nga sya, medyo marami rami din ‘yung mga nagkaka-crush sa kanya. Well, except sakin dahil mataas ang standards ko no!
Maya-maya habang nasa tindahan kami ni kuya fishball, may isang binabaeng lumapit sa’min. In fairness sa kanya dahil kung maglakad sya, kala mo laging nilalamon ng lupa. Nagse-sway pa nga ang kamay at braso habang naglalakad at ang dami-dami nyang tigyawat sa mukha. Nakasalamin sya at feeling nya, reyna sya ng kalsada. Kumapit pa sya kay Gavin at saka hinimas himas ang buhok ni Gavin sabay tanong kung kumain na raw ba si Gavin at kung ano ano pang landi.
#Pabebe #Nagmamaganda sya.
Nung tinanong ko kay Joahnna kung anong pangalan nya, ang sabi nya, “Xhenfai” daw.
Ang weird diba?
Love,
Bh3 ng buhay mo
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
HumorNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?