Hi Diary kong kasing ganda ko. Alam mo ba, hindi naman masyadong marami ang nangyari sa’kin ngayong araw pero… masasabi kong may konting katangahan pa rin.
Kanina kasi, nag-hi sa’kin si Xhenfai. Mas marami pala s’yang tigyawat sa malapitan no? Hihihi. At na-correct pa nga ako ng gaga. Sinabihan nya ako ng tanga. Hindi raw kasi Xhenfai kundi Xh3nfh4iii. Nung nag-hi nga kamo sya sabi nya pa, “30w at3h L!sz3tt3. 4n6 64nd4 nu4mh3rn n6 h4!r m0uh” Binulungan ako nung schoolmate kong si Cristine matapos akong ganunin ni Xh3nfh4i. Sabi n’ya, “hayaan mo na, masasanay ka rin”. Kaya hinayaan ko na nga lang. Bahala s’ya. Ang ikinagulat ko, pumulupot naman s’ya sa kasama naming si Marc sabay kurot kurot pa sa biceps nito. Kinakamu-kamusta nya si Marc tapos sabi naman ni Marc “ulol”. At gaga, natawa pa at sabi nya “j3j3j3 !kh4w t4l4g4”.
Nga pala diary, weekend na naman bukas. Napagplanuhan naming ni Kyle na magpunta ng Dubai. Ang sosyal naming diba? May pang-Dubai ba kami? Oo naman, meron. May pamasahe? Of course! Eh pocket money? Medyo. Saan sa Dubai? Edi sa 168 mall, 999, Tutuban. Saang Dubai ba? Edi sa Dubaisoria! Sama kayo? Wag na, pang-tyangge lang kayo eh. :P
Last na kwento na nga pala diary, kanina kasi may sinabi sa’min ang adviser naming kamukha ni Winnie The Pooh. Magkakaroon daw ng transferee na magiging kaklase namin. Nung tinanong ng mga kaklase kong higad kung lalaki ba o babae, ang sabi ni Pooh, lalaki raw kaya nag-twerking na naman ang mga hormones ng mga gaga. Nung tinanong pa ulit nila kung pogi ba o chaka, ang sabi ni ma’am, ewan daw n’ya. Ayun, nagsitigil sila pero may iba pa ring nagdadasal na sana raw talaga, gwapo. Eh ano naman kung gwapo? Mapapag-aral ba sila nun? Mapapakain? Mapapa-graduate? Ang lalandi eh. But anyway, nakaka-curious nga naman kasi na may bago kaming kaklase eh samantalang 28 na nga lang kami sa classroom, ke gulo gulo pa.
Nawiwindang ng slight,
Lisette ♥
--
Credits to TITO ELMER for that Dubai thing. Benta sakin eh hahahaha.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
HumorNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?