Hi diary. Ito ang first entry ko. Lumuluha pa ako habang sinusulat ko ‘to. Alam mo kung bakit? Syempre hindi, wala ka naming utak eh. Ajujujuju. Pero ang totoo nyan, galing ako sa bookstore ngayon. Doon nga kita binili. Diba dapat notebook store ang tawag dun kasi syempre notebook ka, tapos sa bookstore ka nila ititinda? Ang tatanga.
Pero eto talaga eh. Papauwi na ako galing bookstore tapos may lumapit saking isang lalaki. Kala ko naman sasambitin na nya ang famous line na ”te, number mo te?” tutal kamukha nya naman yung mga jejemon sa kanto namin kaso nagkamali ako diary. Naglabas sya ng pepper spray sabay tutok sa mukha ko. Shutanginers! Nahilo ako ng sobra tapos napahiga ako. Wala man lang tumulong sakin kasi paggising ko nasa tapat pa rin ako ng bookstore. Nakakaiyak diba? Huhuhu. Ang mas nakakaiyak pa, pagkapa ko sa bulsa ko, wala na yung wallet ko. Grabeng buhay ‘to. P1,300 nalang ang laman nun mula sa allowance na bigay ni mama. Nasa Tacloban kasi sila ngayon para sa isang trabaho at next month pa uuwi. Iniisip ko nga kung paano pagkakasyahin yung P1,300 na yun para sa isang buwan kaso sa kamalas malasan nga naman, ninakaw pa! Naglakad tuloy ako pauwi. Buti kamo’t di kalayuan yung bahay namin sa bookstore.
Third year high school na nga pala ako bukas. Kakatapos ko lang ihanda yung susuotin at dadalhin ko. Pero first day na first day, wala akong baon.
Paano na yan?
Ah! Mangungutang nalang ako kay Kyle Froi.
Napakatalino ko talaga!
Nagmamahal,
Bh0szxc L1sz3tt3
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
ComédieNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?