Entry ng Tanga 5

434 13 4
                                    

Dedicated kay ate Ariza. I missed yah ♥

-

Oy diary! Kamusta ka naman? Hihihihi. Ba’t nga ba tinatanong ko pa? Matakot ako kung sumagot ka ng ayos ka lang diba? Harharhar. Pero ayun na nga, so far, konti lang naman ang katangahan na nangyari ngayon araw.

Unang una na dyan, eh nung nagspace out ako sa classroom kanina bigla. Kasi naman, inelect ako ng mga kabarkada ko bilang president ng klase namin. Ayoko nga, hindi ako willing! Ayoko ring ihandle ang 28 na tao araw araw. Ayokong sinisisi ako sa pagkakamali na hindi ko naman ginagawa. Ayoko rin laging makatanggap ng sobrang daming responsibilidad. Ang hirap na nga maging estudyante, dadagdagan nyo pa. Grabe kayo. </3

At isa pa ha, issue na naman ang pagka-kulot ko. Kaliwa’t kanan inaasar nila ako na kulot daw ako. Ano bang problema nila sa buhok ko? At least naaalagaan, shinashampoohan, sinusuklay (minsan). Yung iba nga ni isa dyan wala eh.

Saka pag kulot, salot agad? So pag kalbo, Santo Papa na?

Grabe </3

Badtrip na tunay,

Lisette ♥

Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon