Yo man. Hindi ko talaga ma-gets kung anong gustong ipahiwatig ni Lee Min Ho okay? Dahil kung anu ano talagang ka-weirdohan ang nagawa nya samantalang pangalawang araw pa lang nya sa school na 'to.
Ano pa nga bang magagawa ko? I should just accept the fact that I'm sexy and I know it. Hihihi. Joke lang, walang connect yun. Pero totoo 'yun. HIHIHI. Ano, kokontra ka? Ako ang sumusulat ng diary na 'to ah? Nakikibasa ka lang, 'wag kang mag-inarte.
So anyway, back to the topic, Si Lee Min Ho. Ano na nga bang ginawa n'yang kagaguhan ngayong araw? Kanina kasi, mag-quiz sana kami. Kaso nagulantang ako pagbuklat ko ng bag ko nung nakita kong wala pala akong papel. Hihihi. Kaya naman tumayo ako sa upuan ko sabay declare ng "Pengeng wamport!"
Nagulat na lang ako nung may lalaking nagpunta sa likod ko at binuhat ako para iupo ulit sa upuan ko sabay abot ng 1/4 sheet of paper.
"'Wag ka nang tatayo ulit sa upuan mo para lang manghingi ng one fourth."
"Eh bakit ba, anong paki mo?!"
"Nakikita ko panty mo eh!"
Putangnang Lee Min Ho 'to. Ako talaga trip nitong gago na 'to eh!
Nagmamaganda forever kahit walang forever,
Lissete Buffalo
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
ЮморNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?