Hi Diary. Hindi ka naman isang kalokohan para magsalita at itanong kung kamusta na ba ko diba? Technically, oo, isa kang kalokohan nung author nito pero, eto, ayos naman ako kaso wala pa ring progress. Tanga pa rin ako.
Para bawasan ng konti yung image ko na pagiging tanga, may naisip akong paraan.
"Hoy kulot, may assignment ka sa science? Pakopya naman oh." salubong sakin ng pilosopo tasyo ng section namin. Ganyan yang taong yan. Ke bait bait kamo kapag may kailangan.
"Sorry not sorry but I believe that cheating is stealing. And stealing... is a crime."
Sabi ko sabay flip ng kulot kong buhok.
Sometimes, sa buhay ng tao, hindi ko alam san ko napupulot yung mga ganung linya. Pero feel ko talagang magmaldita ngayon. Paano naman kasi, kakatapos ko lang basahin kagabi 'yung Dama: The Princess Bitch ni JhingBautista.
Shinare ko yun kay Shane. Hiniram nya kasi yung libro ko. Gusto ko lang ipagmalaki kung gaano ko nainspire sa pagmamaldita ni Dama.
"Oh so feeling mo kapag nagmaldita ka, matalino na ang tingin ko sayo?" sabi nya tapos tumawa sya ng tumawa. Ginagago ba ko nito?
Tumayo sya at halos isampal sa muka ko yung libro.
"Gaga to, kinwento mo na sakin yung plot, ayoko na nga! Kahit tarayan mo si Noynoy, hindi kayo magiging magkatulad ni Dama. Straight kase ang buhok nya." huling hirit nya bago sya nagwalk out.
Napa-pout naman ako dun. Wala lang, trip ko lang magpout. Uso eh.
"Ikina-cute mo ba yan, Lisette?" nilingon ko yung nagsalita. Si Marc pala. Nilagay nya yung gamit nya sa upuan nya sabay umalis.
"'Wag ka mag alala, cute ka sa paningin ko kahit magkabaliktad pa yung muka at paa mo."
Sino pa nga bang epal ang makapagsasabi nyan?
Edi si Lee Min Ho.
Dirham-wanna be,
Lisette.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
HumorNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?