Entry ng Tanga 8

293 8 0
                                    

Hi, i'm back. Sorry sa sobrang na-traffic na update. Bawi ako. ♥

 --

Hi diary. Finally, na-meet na namin yung bagong salta sa section naming mahiwaga and now, i'm going to introduce you to him.

Ang pangalan ng mahiwagang bagong salta sa mahiwaga naming section (ulol, anong mahiwaga pinagsasasabi ko?) ay... Lee Min Ho. Alam nyo ba kung anong nakakagulat? Edi 'yung fact na s'ya yung lalaking pogi na nakita ko sa dubai at nakasakay ko sa bus. Destiny? Shit, di ako hopeless romantic para maniwala sa destiny pero kung sa gwapo lang din naman na 'to... hihihi. Sigi ne nge. ♥

De joke lang. Sabi ko naman sa inyo diba? Loyal ako dun sa crush ko sa classroom namin. Sino ba? SECRET PA RIN. Ulol ba kayo? Ba't ko sasabihin 'yun sa inyo? It's fucking confidential.

Kamo, buong araw, wala akong naramdaman kundi pagkailang sa mga tingin nya. Eh syempre kaya ko sya nahuhuling tumitingin ay dahil tinitignan ko rin sya. Pogi eh. Kaw ba naman di mapapatingin? Inoobserbahan ko lang naman sya, wag kayong malisya.

Tapos kaninang recess, na-frustrate ako (hihi, frustrate daw, ano nga yun oh?). Paano ba naman kasi, tingin sya ng tingin. Tapos lumapit sya bigla sakin, sabay abot ng ice cream. 

"Anong gagawin ko dito?" sabi ko sa kanya. Umiwas muna sya ng tingin bago s'ya ngumisi.

"Gawin mong conditioner, para baka sakali, dumiretso 'yung buhok mo. HAHAHA." sabi nya. Kulang nalang gumulong gulong sya sa sahig sa kakatawa. Siguro nga eh ganun ang gagawin nya kundi lang nya hawak yung ice cream.

Dahil gwapo sya, iniwasan ko nalang sya ng tingin saka tumalikod para maglakad palayo habang kumakamot kamot sa buhok.

Pero dahil madrama nga kunyari ang eksena at wattpad nga sya kuno, hinatak nya 'yung braso ko tapos pinahawak sa'kin 'yung ice cream.

"Masarap 'yan. Sa'yo na."

Weird n'ya diba?

Nagmamahal ng buong puso kasama alveoli at ventricles,

Lisette harthart ♥

Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon