Hi ho. Diary! Kanina alam mo ba, sobrang swerte ko. Parang minsan lang ata mangyari 'tong swertehin ako ng sunod sunod kaya nga nagpost ako sa fb ng --feeling blessed *insert angel emoticon here*
So ito na nga ang kwento ko. Absent kasi 'yung weirdong si Lee Min Ho. Teka nga? Bakit ba puro si Lee Min Ho ang napapansin ko? Ah basta, absent sya! Feeling ko nga simula nung dumating sya saka dumating lahat ng kamalasan ko sa buhay. Kamalasan nga ba o katangahan?
Well then, ito na talaga.
Nagpalit palit kasi ng seating arrangement. At! Nakatabi ko ang crush ko. ♥ Kung sino man ang crush ko? Secret pa rin, hulaan n'yo! Hihihi. Minsan lang ako magpa-mysterious effect kaya pwede wala munang kokontra? Ikinaganda ko 'to e bakit ba?
Tapos diary, wala na naman akong wamport. Pero dahil hulog ng langit ang crush ko, binigyan n'ya ako. He's so kind like lilingon palang ako sa likod para manghingi sana kasi nakakahiya naman kung sa kanya ako hihingi pero bigla nalang syang nagpatong ng wamport sa lamesa ko. Nahihiya man, sinubukan ko pa ring sambitin ang "Hehe sheng kyu" with matching beautiful eyes.
At alam mo ba? Kanina may nakita akong box sa desk ko. Sumigaw ako sa klase at tinanong silang lahat kung kanino 'yun pero walang sumasagot kaya ang ibig sabihin, sa akin nga 'yon.
Nakakagulat dahil may nagreregalo pala sakin.Ah... may secret admirer ako?
Hehe. Nekekekeleg isipin teh.
Pero pag-uwi ko sa bahay para tignan ito, hindi ko alam kung matutuwa pa ba ako o maiinis.
Alam mo kung anong nasa loob?
Isang set ng SOEN panty.
AT! May note pa.
Wag ka na ulit magsusuot ng butas na panty.
Nagmamahal,
Lisetteszxc

BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
HumorNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?