INTRO
Name: Lisette Jasper Dupalco
Status: No boyfriend since birth. Certified TANGA.
Nasa top naman ako ever since tumungtong ako sa paaralan.
Seriously, pagpasok ko palang sa pinto ng room namin nung kindergarten ako, top 1 na ko.
Ayaw mo maniwala? Kahit makipagpustahan ka kay Mang Lando manghuhula, sinisiguro ko sa'yo na mag-uubos ka lang ng pera mo.
Sabi rin ng nanay ko, matalino raw ako.
Oo sinabi nya yun! Pag labas ko raw kasi sa sinapupunan nya, nire-recite ko na ang ABC. Ang astig diba?
Pero ewan ko ba sa mga tropa ko. Tinatawag nila akong tanga. At hindi lang yun ha. Masyado nila pinapamukha sakin na kulot ang buhok ko. Nagvolunteer pa nga silang mag ambag ambag para sa pagpaparebond ko. Minsan talaga mapapa-syet ka sa mga ideya nila eh.
Ayon kasi sa kanila, hindi raw batayan kung mapasok ka sa top. Malay mo naman daw kasi, dina-dart lang pala ng teachers naming madudugas yung grades namin.
Ang tunay na talino raw kasi, nadadaan sa diskarte.
Pero anong konek dun ng buhok ko, diba?
Pero kahit na! Por que tatanga tanga ako kailangan may libreng batok ako sa bawat isa sa kanila everyday? Grabe, napaka-friendly nila! Hindi na pangangaral yung ginagawa nila no! Torture na yon!
Pero kahit ganon yung mga yon, mahal ko yon. Sila lang naman ang mga sira ulong sakay sa lahat ng trip ko.
Pero ang umaatikabong mga tanong...
Tatalino pa kaya ako?
Paano? Saan? Bakit?
Anong sasapitin ko sa storyang to?
Puro kaya kapintasan mula sa nagmamagandang author?
Didiretso pa kaya ang buhok ko?
Makakapag-ambag ambag pa kaya sila para sa pang-rebond ko?
Magkaka-lovelife pa kaya ako?
Ako si Lisette, at ito ang diary ko.
BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
HumorNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?