Well diary, alam mo ba, sobrang stressful ng araw na 'to. Malapit na kasi 'yung nutrition month ng school namin. At syempre, bilang president kuno ng classroom namin, dagdag sakit ng ulo na naman 'to. Buti nga kamo, nandyan ang mga magagaling at matatalino kong kaklase kung hindi nako, baka dumiretso na yung buhok ko sa sobrang taranta.
Pumasok na rin nga pala si Lee Min Ho (eto na naman ako sa pagmemention sa Lee Min Ho na yun). Kaya naman syempre, nagkanda leche leche na naman ang araw ko.
Hindi ko kasi alam kung anong powers ni captain barbel ang nahithit nya dahil pagpasok na pagpasok ko palang ng classroom, s'ya na kaagad 'yung sumalubong sa'kin para mang asar. Naalala ko pagpasok ko ng pinto, aba't pinunas ba naman sa katawan ko 'yung panyong hawak nya!
"Hoy ano ba!" puna ko sa manyak na si Lee Min Ho nung tila 'di nya yata napapansing tinatapunan ko na sya ng masamang titig dahil sa ginagawa nya.
"Anong ano ba?"
"Bakit mo pinupunas sakin yan?!" sabay turo ko sa panyo na. Chineck ko na rin kung baka basahan pala yung hawak nya.
"Humihingi lang ako ng blessing." Tinitigan ko s'ya saka ko na-realize na kaya nya pala pinapahid yung panyo nya ay para asarin ako at ipamukang muka akong poong nazareno. Kingina. Dinadamay nya pa si Lord sa pang-aasar sakin porke kulot ako.
"Thou shall not use the Name of the Lord your God in vain." madiin kong sabi sabay flip ng kulot kong buhok at walk out.
Bawat oras na napapansin kong tumitingin sya sakin, tinititigan ko sya ng masama. Muka namang effective dahil hindi na nya ako ginambala pa nung recess at lunch. Kaso nung binigyan kami ni ma'am ng time para magpractice, habang nagsusupervise ako, bigla naman akong natisod dahil hindi ko nakita ang nakaharang na bag ng kaklase ko sa ibaba habang naglalakad ako. Yun pa naman yung time na nag eexplain ako tungkol sa groupings ng mga contests na sasalihan namin.
Tinignan ko silang lahat.
Iba-ibang reaksyon.
Hindi alam nung iba kung tatawa ba sila o ano dahil seryoso ako.
Pero may isang matinong lalaki sa mundo na nag-initiate ng malakas na pagtawa sa simpleng katangahang yon kaya naman nakigatong na rin ang mga kaklase ko.
Sino pa nga ba?!
Naiirita,
Lisette na kulot pa rin

BINABASA MO ANG
Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)
HumorNasa top naman ako ah? Bakit ba nila ako tinatawag na tanga?