Entry ng Tanga 3

550 14 1
                                    

Dahil half day pa rin naman kami ngayon, naisipan ng tropa gumala. Swerte nga dahil sinabi ko kay mama yung nangyaring insidente nung isang araw at nagpadala ulit sya ng pera. Lakas ko kay mama, diba?

Kaso alam mo ‘yung malas? Naglalakad kami sa may tulay tapos tinutulak tulak ako ng magaling na si Kyle. Nahulog yung sapatos ko sa may ilog sabay natisod pa ko. Nakakaiyak! Mabuti kamo may mabuting puso ‘yung aleng nakita kong naghahango ng kangkong kasi binigyan nya ko ng spare slippers (naks, spare slippers, san ko nahugot ‘yun? HAHAHAHA). Naka-hoodie si ate tapos naka-shades at cap pa. Ang sosyal nya maghango ng kangkong, diba? Naka-acid wash pa nga syang pants. Ako nga walang ganun eh!

Nung magpapaalam na ako sa kanya, bigla nyang tinanggal yung cap, shades at hoodie. Pagharap nya, hinahangin hangin effect pa ‘yung buhok nya. And guess what, diary? Si Korina Sanchez ang mabuting loob na nagbigay sakin ng tsinelas. Grabe, anytime, anywhere pala, handa syang sumaklolo sa mga walang tsinelas! Talagang pinaninindigan nya ang motto nyang “Pagdating ng araw, wala nang batang nakatapak.” Ang sosyal, diba? Ako nga walang motto eh. Magtatanong nalang ako kay Kyle kung anong pwede mamaya. Ang alam ko lang, thankful ako sa fairy ng mga nakatapak.

Sa sobrang starstruck ko kay  Korina Sanchez, di ko napansing naiwan na pala ako ng mga kasama ko. Kaya hinabol ko pa sila. Walang puso, kinginarszxc. Matapos nila kong i-torture sa may ilog, iiwan nalang nila ko? Kaya tinanong ko sila kung bakit umalis agad sila, sabi ni Mharlo “Eh ang tanga mo eh, sabi namin tara na, di ka pa sumunod!” Wala na lang akong nagawa kundi manahimik.

After all, maganda naman ang nagging flow ng gala naming at nag-enjoy ako.

Buti na lang nga talaga, di na nasundan pa ang mga kamalasan.

Teka, kamalasan nga ba talaga yun o katangahan?

Nagmamaganda,

Lisette Dupalcz ♥

Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon