Entry ng Tanga 2

838 19 4
                                    

 

Tangina diary, gutom na gutom na ako! Hindi ako pinautang ni Kyle Froi alam mo yun! Napaka-maaasahan nyang best friend, nakaka-touch! At nung ikwento ko sa kanya yung nangyari sa’kin kahapon, alam mo ba kung anong reaksyon nya? Natawa na, pinagkalat pa! Sabay sabi ng “tanga!” with matching batok pa. Grabe diary ang hard nya sakin. Diba dapat ginagalang ng lalaki ang mga babae? Kaso iba sya eh. Iba talaga sya promise!

Advantage of this day, nadagdagan ang friends ko. Buti kamo kaklase ko yung kaibigan kong isa na si Joahnna, isang wattpad author na happy-go-lucky ang peg. Pati na rin si Shane na dati ko nang kakilala pero ngayon ko lang naka-close dahil kay Kyle. Isa syang melancholic person. Akala mo malditang tahimik pero nasa loob ang kulo. Kaklase ko rin ang pilosopo tasyo ng henerasyong ito na sina Gelo at Mharlo. May transferee rin na kasama sa tropa, si Eunnise. Isang kalahating gago kalahating tao. Medyo pabebe pero di naman pabibo.

Naging kaklase ko rin ang ex best friend kong si Marc Joaquin (ang unfair diba, may apelido yung kanya, alangan naman kasing isingit ko pa yung mga apelido nung iba, saying tinta ng ballpen). Medyo tahimik nga sya ngayon di gaya ng dati na para syang sabog na nakahithit ng paminta dun sa lugawan ni ate lugaw sa tapat ng school namin. Ang astig ng lugawan dun, actually, nasa tabi sya ng kalsada. Magugulat ka nalang one time habang kumakain ka ng lugaw with tokwang baboy, nahagip ka na pala ng 10 wheeler truck. Hihihi.

Anyway, wala namang masyadong nangyari ngayong araw bukod sa nakita ko ang adviser kong kamukha ni Winnie The Pooh. Hindi ako laitera ah. I’m just telling the truth. :D

Love love love,

Cutie Lisette

Diary Ng Tanga (Lisette's Diary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon