♥♥CHAPTER 55-FINAL-CHAPTER♥♥

698 15 8
                                    

CHAPTER 55-FINAL-CHAPTER

Sobra akong kinabahan sa araw na ito. Hirap na hirap akong huminga. 

Totoo na ba ito? O isa na naman itong panaginip. Please Lord, ‘wag naman sana.

“Goodness Sis. Itigil mo nga iyang pagbubuntong hininga mo. Natetense kami ni Issa sa’yo.” Natatarantang sabi ni Angel.

“Nga naman Gellinaia. Natatakot ka ba na baka hindi matuloy itong kasal mo?” hinampas naman siya ni Angel.

“Alam mo Issa napakanega mo din.” Inirapan niya ito.

“Ikaw naman, pwedeng ikalma mo iyang sarili mo. naku! Kami na ata ang magaling sa lahat ng magaling na mag-ayos sa isang bride. Baka kapag nakita ka ng pinsan ko, kutusan kami ni Issa.”

“S-sorry. Hindi lang talaga ako makapaniwalang ikakasal na ako sa taong pinakamamahal ko.” Ngumiti siya sa akin. May lumandas na luha sa pisngi ko.

“OH EM GEE. Chaka ka girl. Yung make-up mo, bruha.” Agad pinunasan ni Issa ‘yung luha ko.

Halos mataranta na silang dalawa dahil sa sunud-sunod na ang pag-agos ng luha ko. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa frustrated nilang mukha. Sa bagay sila ang malilintikan kapag nasira ang beauty ko.

May kumatok sa pinto at inuluwa nito ang mga magulang ko, si Ate at si Trizna. Agad na tumakbo sa akin ang pamangkin ko.

“Tita Gellinaia.” Niyakap ako nito. Ang cute niya sa suot niya. Nakangiti naman sina Mom and Dad.

“Tita you’re so beautiful.” Aniya. Kinarga naman siya ni Ate at umupo sila sa tabi ko. Niyakap ko siya.

“Ate ganito ka rin ba nung kinasal ka kay Kuya James, kinakabahan? Ako kase parang sasabog na itong dibdib ko.” Natawa silang lahat sa sinabi ko.

“Yes Keisha. Ang akala ko hindi ako tatablan ng kahanginan ng hinayupak na ‘yun pero aaminin ko, iyon na ata ‘yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko at lalo pa yun naging Masaya nang dumating itong prinsesa namin.” At hinalikan niya ang anak niya.

Napaawang ako ng bibig. Tama ba ang narinig ko? Masaya siya nung kinasal siya kay Kuya. Napangiti nalang ako.

Lumapit sa akin sina Mom and Dad at niyakap nila ko. Mangiyak-ngiyak na si Mommy.

“Napakaganda mo, anak. Sobrang ganda mo.” nagpunas siya ng luha niya. “Yung bunso natin Ed, ikakasal na rin.”

“Ma, naman eh. Huwag ka nang umiyak.”

“Kase naman kayong dalawa ng Ate mo may mga sarili nang pamilya.”

“Mom, hindi pa naman kami  mawawala sa tabi niyo. Tsaka ako pa rin naman ‘yung bunso niyo diba?”

“Oo naman.” Niyakap niya ko ng mahigpit.

“Kapag ayaw muna kay Vincent, umuwi ka na agad sa bahay.” Nabatukan naman ni Mommy si Daddy.

“Ano ba naman iyang pinapayo mo Daddy sa anak mo!” ani mommy. Natawa kami, kahit na may mga edad na sila, ang sweet pa rin nilang tignan.

“Pero anak kung magka-problema man kayo, lagi lang kaming nandito ng mommy mo. Lagi kaming nakasuporta sa inyo. Lahat ng bagay napag-uusapan. Huwag kayong magpadalus-dalos. Magtiwala kayo sa isa’t-isa. Walang dapat naglilihim sa inyo. Bigyan niyo rin kami ng maraming apo.” Natawa ako sa sinabi ni Dad.

“Daddy naman eh, pinapaiyak niyo ko.” Tsaka ko siya niyakap.

“Mawalang galang lang, mainam sana kung maghanda na tayong lahat. Baka pumunta pa dito ‘yung groom mo at hindi na makapaghintay na makasal sa’yo.” Bulabog sa amin ni Ate. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. 

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon