♥♥CHAPTER 50 (Nandito na KO) ♥♥

538 13 9
                                    

Dedicated po sa inyo ito ate Rerushi. Ang bait niyo po kase sa akin. Hihhihi. :)))

CHAPTER 50 (Nandito na KO)

 

“Are you okay, Gellinaia?” nag-aalalang tanong ni Kurt sa akin.

“Kinakabahan lang ako. Parang may masamang mangyayari.” Paliwanag ko sa kanya.

Alas sais na nang gabi at papunta na kami sa school dahil ngayon na ang Prom. Namin. At kanina pa ko sinasaniban ng kaba sa dibdib sa di malamang dahilan. Pakiramdam ko may hindi magandang mangyayari.

“Just relax, walang mangyayaring masama.” napangiti ako sa sinabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala dito si Kurt. Siya ang nagsisilbing tagapagligtas ko ngayong wala na’kong kakampi. Maswerte pa rin ako at may taong handang samahan ako sa mga panahong nahihirapan na ko at gusto  ko ng sumuko.

Ngumiti ako. “Salamat Kurt. Salamat dahil hindi mo ko pinapabayaan. Salamat dahil naging kaibigan kita.” Ngumisi siya.

“Kaibigan lang ba talaga?” hinampas ko siya sa braso. Tumawa lang siya. Napangiti ako sa kalokohan niya. Nakita ko naman na nakatitig siya sa akin kaya nag-iwas ako ng tingin.

“Ang ganda mo. Sobrang ganda….. hindi na ko magtataka pa kung bakit nagkagusto sa’yo si Vincent.” Pakiramdam ko nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya.

“T-thank you!” nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ko. Napakamot siya sa ulo.

“Nandito na tayo.” Napatingin ako sa labas ng sasakyan at tama nga nandito na kami. Lumabas na siya at pinagbuksan naman ako ng  pinto ni Manong. Inalalayan ako ni Kurt sa paglabas.

Malayo pa lang ay rinig ko na ang mga hiyawan ng mga estudyante. Shet. Kinakabahan talaga ako. Sa pagpasok namin ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Nahihiya ako kaya napayuko ako.

Sa buong buhay ko ngayon lang ako nahiyang ipakita ang maganda kong mukha. Sa tanang buhay ko ngayon lang ako naging ganito. Nasaan na ba ang lakas ng loob ko at tila nabaon na ata ito sa hukay.

“Chin up lady. Show your beautiful face.” Napakagat ako sa labi. Alam ko naman kaya lang……okay fine. Pagkaangat ko ng ulo agad kong nakita si Kyle na lalong nagpaangat ng kagwapuhan niya dahil sa suot nito. God, bakit ang gwapo niya? Makalaglag panty. Shets. >.<

“Isara mo ‘yang bibig mo.” natauhan lang ako ng magsalita si Kurt. God nakakahiya. Nakanganga ba ko sa kanya?

“S-sorry.” Napailing naman siya.

Umayos na kami. By partner tinatawag ‘yung mga pangalan ng estudyanteng papasok. Sumakit naman ang dibdib ko ng tawagin ang pangalan ni Kyle at ni Veronica. Sila ang partner? Tumingin sa banda ko si veronica at ngumiti sa akin at parang sinasabing nagtagumpay siya sa pagkuha kay Kyle. Agad akong nag-iwas ng tingin sa kanila. Baka kung nakakapatay lang itong malulutong kong mura kanina pa silang bulagta at nangingisay at pinagpipiyestahan ng mga estudyante. Dammit.

“Kung nakakapatay lang iyang mga titig mo baka patay na yang Lopez mo.” Sinabi niya habang naglalakad na kami. Tumawa pa ito.

“TSEH!” kainis ‘to. Oo na nagseselos na ako at naiinis ako sa mga babaeng nakatingin sa kanya. Yung kulang nalang hubarin siya sa mga titig ng mga ito. Yung kung makangiti sila kay Lopez KO parang isasayaw sila nito. Ang kakapal ng mga mukha, mga bruha, mga walanghiya. Pero mas nakakainis itong si Lopez, halos ata ng mga lalaki dito hubarin nako sa kakatitig nila tapos siya, walang hiya hindi manlang ata ako sinulyapan kahit 1 second. Dammit. I’m pissed.

“Konti nalang talaga magseselos na ko.” Napatingin ako kay kurt.

“HA? Anong sabi mo?” ngumuso siya.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon