♥♥CHAPTER 3 (Bad impression)♥♥

835 20 1
                                    

♥♥CHAPTER 3 (BAD IMPRESSION)♥♥

Maagang pumunta sa amin si Paks, syempre excited. Grabe nga eh kung makabati..

“GOOOOOOOOD MOOOOOOOOOOOOOOOORNINNNNNNNNG!! ^_____^” Dianne

“Good morning tita, tito, Paks, ate malds ayh este ate Keith pala hahaha.” Natawa din sina Mom and Dad sa sinabi niya.

“Good morning din hija, maganda ata gising mo ngayon at napaka-energetic mo pa?” si dad

“Syempre naman po tito, first day of school so kelangan may energy ako kasi marami kaming makikilalang new madlang classmates ni Paks. Sana marami kaming maging friends dun ^_^” napangiwi ako sa ka-o-eyan ng kaibigan ko. 

“Ha-ha-ha. Sige ate ,mom , dad alis na po kami baka mawalan pa 'to ng malay sa sobrang excited.” Natawa sina Mom and Dad

“Sige anak ingat kayo, behave kayo dun okay? Yung ugali ayus-ayusin nyo na.”

“Yeah right, Cuss iwasan mo rin ang pagmumura, duh!! sabihin na nating maganda ka nga pero mas maganda pa rin ako, eh nakakawalang respeto yun noh?”

“Duh!! Anung magagawa mo ganito talaga ko. Ate malds nagpapakatotoo lang ako, ikaw bawas bawasan mo pagiging maldita at maghanap kana rin ng BESTFRIEND mo. hahahaha.”

“Whatever.” sabay irap.

-- 

Nasa school na kami, 4th year high school na kaming dalawa ni Dianne. Dito kami sa Greenville Academy nag-enroll ni Paks, una nga parang ayaw ko dito kase naman ang weird ng name ng school diba. Pero sabi ni mommy wala naman yan sa school nasa sa amin nayun ni Dianne kung magtitino pa ba kami. Kaya yun tama naman si mom kaya dito na kami nag-aral. Sana maging maganda naman ang first day of school namin. Wala muna sanang gulo.

“PAKS, PAKS, PAKS, CLASSMATE TAYO, YEHEY!!!” 

“Paks, ganyan kaba magbago, nagiging isip bata duh!” umirap ako.

“Hindi naman, excited lang talaga ako.” ngumuso siya kaya napa-irap ako

“Oh sige, sige ‘wag kanang magpout dyan di mo bagay.  So sa first section na naman pala tayo kaasar kakasawa, lage nalang >.<”

“Natural lang naman Paks na maging first section tayo. Anong magagawa mo pinagpala tayo ng talino tsaka eeeewww ayaw ko naman sa last section noh.”

 --

Kahit naman mataray at masama ugali ko, di ko naman nakakalimutan yung pag-aaral ko, de nachugi ako sa ate ko. Siya kase ‘yung tumitingin ,nakikiusyoso sa mga grades ko at wala naman siyang masasabing masama dahil wala naman akong bagsak.

“Oh! Tara na pasok na tayo umpisahin na natin makipagsocialize sa mga new classmates natin at umpisahn na rin natin magpalaganap ng kasamaan ayh este kabaitan pala hahaha.”

“Oo tama hahaha.”

Nagmadali pa kaming dalawang pumasok sa classroom. Pagpasok namin sa loob ng room parang nakatingin silang lahat samin. May nakita ba silang multo o nagagandahan lang sila samin ng bestfriend ko. Ayaw ko naman magpakita ng panget na ugali lalo na't transferee lang kami dito.


Umupo na kami ni Dianne sa bandang hulihan. Ganon naman kase diba? Ayun ‘yung mga nakikita ko kapag may bago sa’min so niaapply ko lang din sa sarili ko. Xd 

“Paks grabe silang makatingin.” bulong sa’kin ni Dianne

“Wag mo nalang silang pansinin, natural lang ‘yan kase bago tayo sa paningin nila.” 

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon