♥♥CHAPTER 48 (umuwi kana please)♥♥

455 5 2
                                    

CHAPTER 48 (umuwi kana please)

 Naging mahirap para sa akin ang mga ginawa kong desisyon pero wala eh. Ito na yun, kailangan ko ng tanggapin na ito talaga ang nararapat para sa akin.

Siguro tama lahat ng sinabi ni Kurt noon sa akin. Hindi lahat  ng magkarelasyon puro saya lang ang nararanasan, darating din talaga sa puntong lahat ng sayang naranasan niyo sa isang iglap magiging alaala na lang iyon.

Dalawang araw akong absent dahil sa nagkasakit ako. Siguro dahil sa nagpaulan ako nung nakaraang araw.

Napangiti ako ng mapait habang pinagmamasdan ang mga batang naglalaro dito sa may park sa may playground. Naalala ko sa kanila si Kylsha. Kamusta na kaya siya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang war na naman kami ng Daddy niya.

Daddy niya?

Bigla akong natawa sa sarili kong iniisip. Nagiging baliw na ata talaga ako o epekto na ito ng gamot sa akin.

“Gellinaia, anong ginagawa mo dito?” napatingin ako sa kanya.

“Adrian?” napanguso ako nang mapagtantong madalas nga pala siya dito.

“Are you okay now?” tumango ako. Tumabi siya sa akin then I sighed heavily.

“Sobra na bang sakit ng nararamdaman mo?” hindi ako umimik sa tanong niya. Pinagmasdan ko nalamang ang mga batang masayang naglalaro.

“Hindi rin pumapasok si Kyle. Alam narin ng mga taga- Greenvillcian ang nangyari sa inyong dalawa.”

Hindi naman na ko nagtataka pa doon kung malaman nila iyon.

“And the gossip have wings.” Tumango ako.

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Maririnig mo lang yung mga tawanan ng mga bata.

Dati lagi kong hinihiling na sana maging dalaga nako dahil sawa nakong maging bata, sawa nakong makipaglaro sa kapwa ko bata. Gusto ko na rin ma-experience ‘yung mga ginagawa ng mga matatanda. Ang akala ko dati kapag napasabak nako sa ganoong sitwasyon kaya kong solusyunan iyon pero nagkamali ako. Ang hirap pala kapag halos kamuhian kana  ng mga tao sa paligid mo. Hindi tulad kapag bata pa kapag nakaaway mo yung kalaro mo pwedeng mamaya lang bati na naman kayo.

I wish I can go back to my childhood days para sa tuwing aawayin, kukurutin, madadapa ako maaaring magdahilan lang ako na hindi yun masakit at mamaya lang din wala na sa akin iyon.

Sana……sana bata nalang ulit ako.

“Kaya mo bang magsakripisyo para sa taong mahal mo?” wala sa sarili kong tanong. Alam kong nabigla siya sa sinabi ko base na rin sa ekspresyon ng mukha niya. Bumuntong hininga muna siya.

“Kaya ko.” Simple niyang sagot. Tumango ako. Inilagay niya sa ulo niya yung mga kamay niya. “Pero alam mo bang hindi lahat ng sakripisyo ay nakakabuti sa lahat? Minsan mas lalo pang nagpapagulo ang sakripisyong iyon sa isang tao.” Napatingin ako sa kanya.

“What do you mean by that?” ngumiti siya sa akin.

“Lahat isasakripisyo dahil ang alam mo iyon ang tama. But the reality is NOT. All your sacrifices would nothing if you’re being hurt of what you have done.” Tinitigan niya ko.

“Ikaw? Nararanasan mo ba na parang pinagsisihan mo ang mga desisyon mo? Ang akala mo sandaling sakit lang pero ang totoo pa triple pa ang  sakit na nararamdaman mo. Naging Masaya kaba sa desisyon mo?”

Sumisikip na naman ang dibdib ko. Any moment tutulo na naman ang luha ko at iyon ang ayaw kong mangyari. Sawang-sawa na kong umiyak.

“Gellinaia.” Hinawakan niya ko sa ang balikat. Kusa nalang tumulo ang luha ko kahit pinipigilan ko ang mga ito.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon