♥♥CHAPTER 5 (crush)♥♥

627 15 2
                                    

♥♥CHAPTER 5 (crush) ♥♥

Lumipas ang ilang araw, marami na kaming naging friends ni Dianne. Si Angel madalas na rin naming kasama. Marami kaming nalaman tungkol sa kanya ganun din siya saamin. Sinabi namin sa kanya kung bakit kami nagtransfer sa school nila, yung pagbabagong gusto namin mangyari sa ugali namin at lahat lahat pa. Pero kahit ganon tanggap niya kami ni Dianne :) .

Kung tinatanong niyo si LOPEZ yun sa dami ata ng mga classmates ko bukod tanging siya lang di ko makasundo, ewan ko ba dun lage nalang akong pinagt-tripan. Minsan nga pagpasok namin ni Dianne sa room nagulat nalang ako nakatingin silang lahat sakin, yung iba natatawa, yung iba parang shocks. Parang ewan lang. 

"Oh my god! Gellinaia totoo ba yun?" sabi ng kaklase ko

"Totoo?? Ang alin??" nakakunot noo kong tanong. Sino ba naman hindi maiirita sa tanong niya na yun kung pagpasok mo ganun agad ibubungad nila sayo diba?

"Na may sex scandal ka?" O.O kulang nalang ata maatake ako sa sinabi ng classmate ko.

"HUUWWWATTT!!!" May kinuha sa likod ko yung kaklase ko, sa gulat ko isang papel na may nakasulat na "may sex scandal ako". Tumingin ako sa direksyon ni Lopez nakita ko siyang tumatawa, pinuntahan ko siya, sa inis ko kinuha ko yung iniinom na juice ng kaklase ko at binuhos sa kanya.

"Gago kaba? Ano sa palagay mo ang ginagawa mo? Kahit hindi mo sabihin alam kong ikaw na naman ang may pakana nito. Ghad ano bang ugali yung napunta sayo? Ugaling pang-uod pa tsss. >.<" Napakawalang hiya talaga.

Oh diba ang sama bwiset na lalaking yun. Arggg. Sarap tirisin  tsk. Bakit kase nakakalimutan kong magdala ng armalite para minsanan ko nalang babarilin patay na agad o kaya naman bomba para pirapiraso na yung katawan pwede ring lason waaaahhhh grabe napakabrutal ko na talaga tsaka nalang ako mag-iisip ng best revenge pagmaluwag na ang schedule ko.

Naglalakad ako mag-isa sa hallway maagang pumasok si Paks dahil marami daw siyang gagawin. Nagiging busy na siya ngayon kase naman kapag may group activity siya ‘yung ginagawang leader. Buti nalang talaga walang nagtatangkang gawin akong leader ng mga kaklase ko. Di ko naman namalayan may nabunggo na pala ako.

"Ay shit!!" yung mga dala kong gamit nabitawan ko kaya nagkalat sa daanan.

"Sorry miss, di kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko." sabi niya

"Ah no! Kasalanan ko naman eh tsaka hin- - - - - -......" napanganga naman ako ng makita ko ‘yung tumulong sa akin. “H-hin..h-hindi rin a-ako nakatingin sa daanan ko.” at napalunok pa ko.

"Miss heto gamit mo, sorry nga pala ulet." dagdag pa n’ya at ngumiti siya sa akin. hindi ako naniniwala sa love at first sight at lalo naman ‘yung nag-sslow motion yung paligid mo kase alam ko ‘yung salitang CORNY. Pero lintik hindi ko akalain na mangyayare sa akin ‘to ngayon.

"Ha? ah o-okay l-lang sa-salamat." nauutal kong sabi sa kanya

"By the way Jerome Lim nga pala and you??" OMG. LORD siya na po ba ‘yung para sakin? Siya ba ‘yung pinadala niyo para mahalin ako. Ang bait niyo talaga sakin grabe ang gwapo nitong nilalang nato.

"H-ha! ah I'm Gellinaia Keisha Briez." At napalunok ulit ako

"Ah okay nice ang ganda ng pangalan mo kasing ganda mo." waaaahhhhhh pwede nakong mamatay. Gosh hindi ko mapigilan ang sarili kong di kiligin. Bukod sa gwapo, mabait, like ko na siya. Napakahonest niya promise parang si honesto lang. Iba talaga pag-ibang tao yung nagsasabing maganda ka nakakakilig.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon