♥♥CHAPTER 22 (Part 2: ArnIan Loveteam)♥♥

436 9 0
                                    

CHAPTER 22 (Part 2: ArnIan Loveteam)

ARNIE DIANNE POV

 

Nandito ako ngayon sa may hallway. Iniwan ako ni Paks TT.TT Chos lang :D may kinuha lang siya  sa may library. Hindi siya nagpasama well di po kase yun mahilig magpasama. Ako lang. XD

Yung feeling na dinadaan-daanan ka lang ng mga tao. Sows mukhang tanga lang ako.

“HUY!!”

“WAAAAAAAAH!” pinagtatadyak ko naman yung nanggulat sa akin.

“ARAY! ARAY! ARAY! TAMA NA!” sabi naman niya.

“Adrian?”

“Ako nga. Shet ang sakit. =__=” hinawakan naman niya yung paa niya saka hinipan kunwari. Nagpameywang naman ako.

“Eh sira ka pala. Bakit mo ko gugulatin ng ganun?”

“Psh. I-su-surprise sana kita :3” aba loko ‘to ha.

“Niloloko mo ba ako? Yan na ba ngayon yung paraan ng pagsurpresa? Aba kung may sakit ako sa puso inatake na siguro ako.”

“Oo na. sorry. Psh nasaktan lang tuloy ako.” Nagpout naman siya. Ang cute :DD Umupo naman kami.

“Kasalanan mo rin naman kase eh. Sorry din :D” Ngumiti lang din siya sa akin.

“Hi Adrian :D” sabi nung tatlong babaeng nagdaan. Ngumiti naman siya sa mga yun.

“Kyaaaaaah >/////< ngumiti siya girl.”

“Ang gwapo niya talaga.”

Uminit naman bigla yung ulo ko. Ang aarte nila. tinignan ko naman siya ng masama.

“Oh-oh-oh ba’t ganyan ka makatingin?”

“Kalalaki mong tao ang landi mo!” >////<

“Nagseselos ka na naman? Kung sagutin mo na kaya ako para wala nang lumapit sa akin na babae. Anong magagawa mong gwapo ako :D”

“So ako pa may kasalanan kung bakit marami kang nilalanding babae? At sinong nagsabing nagseselos ako?” 

“Hindi ba? :D Kulang nalang nga maging kamukha na ng ampalaya yang noo mo sa sobrang kunot nito HAHAHAHA.”

“Huwag mo nga akong tawanan. Hindi ako nakikipagbiruan sayo.” naging seryoso naman yung mukha niya.

“Mag-aaway na naman ba tayo Arnie? Lagi ka nalang nagagalit. Hindi ko naman kasalanan kung maraming lumalapit sa akin eh. Ginagawa ko naman lahat. Pinagpapasensyahan kita pero minsan sumusobra kana.”

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon