♥♥CHAPTER 28 (Birthday gift)♥♥

502 9 4
                                    

CHAPTER 28 (Birthday gift )

 

September 29, 20**.  Sunday.

Just got home from church (wew. Gm lang ang peg. Xd)

Umupo muna ako dahil ang sakit na ng paa ko. Nakaheels kase ako binigay sakin ni dad di ko naman alam na masakit pala yun sa paa.

“Anak!” tumabi naman sa akin si mommy.

“Bakit po mommy?”

“Happy birthday. You’re 17 na :) parang kailan lang ang liit mo pa pero ngayon dalagang dalaga kana.” Mangiyak-ngiyak na sabi ni mom. Tumabi rin sa akin si dad.

“Anak ayaw mo ba talagang magcelebrate or something?” I shook my head.

“Dad hindi naman po ako mahilig sa ganyan. Okey na pong nandito kayo. :)”

“Hindi mo ba pupuntahan si Kylsha? Birthday din ng anak mo  ngayon diba?” tanong ni ate keith

“Oo nga anak. Pupunta kaba?” I smiled bitterly.

“I don’t know mom :(“

“Why? Baka magtampo si Kylsha niyan.”

“Tatry ko pong pumunta.”

“Hindi kami makakasama sayo anak may trabaho pakami eh.”

“Okey lang po.” Humalik silang dalawa sa akin.

“Happy birthday anak.”

“Thank you mom and dad.” Ngumiti lang sila sa akin then umalis na.

Yeah! Today is my birthday. Wala akong ganang lumabas ngayon. Ilang beses na akong tinext nina Dianne and Angel. At pang-ilang beses ko na ring sinabing hindi ako makakarating.

Naging matamlay ako simula nung nahulog ako sa pool. And Sinusubukan ko na talaga siyang iwasan. 2 days ko siyang hindi pinapansin sa school and I know na alam niya rin yun. Ang hirap kase sa ginagawa ko lalo akong nahuhulog sa kanya pero siguro ito nalang yung paraan ko. :((

“Tumawag ngayon si Dianne. Tinatanong niya kung makakapunta ka raw ba? Ang sabi ko hindi.” Ngumiti lang ako

“Bakit mo ginagawa lahat ng ito? Do you have a problem again Keisha?”

“Wala. Hindi naman palagi nandun ako tuwing birthday niya. Birthday ko rin ngayon. so kailangan unahin ko muna yung sarili ko bago siya. Ano siya sinuswerte? Hindi ko naman talaga siya anak. Duh! hindi ko pinangarap magkaanak ng maaga.” dire-diretso kong sabi

Ack! bakit ko yun nasabi? O_o

Tinitigan lang niya ako. “Masaya ka ba ngayon?” di ako sumagot.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon