♥♥CHAPTER 39 (Sorry)♥♥

564 9 0
                                    

CHAPTER 39 (Sorry)

VINCENT KYLE POV

 

Tangina! Ano bang kailangan ng mga panget na ‘to sa akin? May kutob akong siya ang may gawa nito. Tangina niya. Huwag lang niyang sasaktan ang pamilya , mga kaibigan ko at lalong lalo na si Keisha mapapaaga ang pagkikita nila ni San Pedro, mapapatay ko talaga siya.

Sht! Kumukulo talaga ang dugo ko sa galit. Umiyak na naman siya ng dahil sa akin pero kung hindi ko ito gagawin baka kung ano pang gawin ng mga ‘to sa  babaeng mahal ko.

“Nandito na tayo.” Napatingin naman ako sa labas ng sasakyan

Walanghiya. Ang dilim dito walang ganong tao. Magaling! Magaling pinagplanuhan talaga.

Bumaba na ko tsaka nila ko kinaladkad sa loob. Puta! kung tapusin ko na kaya ang mga ‘to.

“Boss nandito na siya.” Napatingin ako sa lalaking nakatalikod

Walanghiya. Likod palang alam ko na kung sino siya. Humarap siya sa amin tsaka ngumisi.

“Anong kailangan mo?” naiinis kong tanong.

“Easy there man.  Di mo ba ko kakamustahin man lang bro?” mapang-asar niyang tugon.

“Gago. Hindi nakailangan. Para san pa? sa tarantadong tulad mo?” lumapit sa akin ‘yung mga tauhan nya at akmang susuntukin ako ng bigla niyang pinatigil ito.

“Bakit hindi mo sinama dito ‘yung girlfriend mo para naman masaksihan niya kung anong gagawin ko sa’yo at kung ano ba talaga ako sa buhay mo?” nagsalubong naman ‘yung kilay ko at parang nagdidilim ‘yung paningin ko dahil sa hinayupak na taong ito.

“Kailan ka ba magbabago?” mahinahon kong tanong. Kita naman sa mukha niya ang pagkainis sa tanong ko.

“Magbago? Are you insane man? Wala sa bokabularyo ko ang salitang magbago. Hangga’t di ko nakikitang bumabagsak ka hindi ako titigil Lopez. Gagawin kong miserable ang buhay mo, kaya rin kitang patayin pero hindi ko muna ‘yun gagawin dahil gusto kong nakikita kang nahihirapan.”

Nagdilim na talaga ang paningin ko sa lalaking kaharap ko at kusa nalang dumapo ang kamao ko sa mukha niya.

“Tangina mo Kurt. Hindi ko kasalanan kung lahat ng bagay na meron ka ay nawawala sayo.” Sinuntok ko pa siya sa mukha, putok na ‘yung labi niya.

Agad din naman nagsilapitan sa amin ‘yung mga hinayupak na alalay ni Kurt at sinuntok ako sa sikmura di pa nakuntento sinuntok din ako sa mukha. Tangina nila. Agad akong tumayo tsaka ginantihan sila ng malalakas na suntok pero hindi ako santo para kayanin ang walang katao. Bumaranda ako sa sahig. Akmang susuntukin ako ng isa pang kasamahan nila ng awatin na ito ni Kurt.

“Tama na ‘yan.”

“Pero boss….”

“Tama na sabe eh.” Galit na saad nito sa mga kasama. Tumingin siya sa akin. “Ibang klase ka talaga Vincent. Ang lakas mo talaga.” Dumura naman ako tsaka pinunasan ang dugo sa aking labi.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon