MME-FINALE

1K 20 6
                                    

Thanks for reading ghelliens. Walang book 2. Last na ito. Bitin din ito hahaha.

MME-FINALE

After 7 years

“Waaaahhh!! Kuya you’re so bad talaga. Isusumbong kita kay Mommy.” TT.TT

“Go ahead! As if I care.” Nagtatakbo ang anak kong babae papunta sa akin

“Mommy!!!” napaluhod naman ako at inabangan siyang makalapit.

“Mommy tinutukso po ako ni Kuya Solar. Ang bad bad niya po.” Umiiyak nitong sumbong. Tumingin ako sa papalapit na si Solar na nakapamulsa. Napangiti ako dahil nakikita ko sa kanya ang kanyang ama. Nakuha niya lahat ang ugaling mayroon ang ama.

“Solar, Baby bakit mo naman inaaway itong kapatid mo?” napailing nalang ito.

“Kase mommy, Kuya has a crush on my Bestfriend Tanya that’s why he always tease me.” Napakunot naman ng noo si Solar. Natawa nalamang ako sa kakulitan nila.

“Kaya kapag inaway mo pa ko I’ll tell your secret to my Bestfriend. Bleeeh!!”

“Whatever!” umirap ito

“Oh Tanyaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!” Napatingin kami kung saan nakatingin si Sky at nagtatakbo ito. Bumelat pa ito sa Kuya niya.

“Sky Gel!!!!!!!!!!!” hinabol niya ang kanyang kapatid. Napangiti nalang ako

Umupo muna ako habang pinagmamasdan ‘yung mga anak ko.

“Ang lalaki na ng kambal niyo, a?” napatingin ako sa lalaking nakapamulsa

Nagtaas ako ng kilay sa kanya. “Psh. Pero ‘yung magaling nilang ama, wala na naman atang balak umuwi.” I rolled my eyes and crossed my arms.

Yung lalaking iyon pagkatapos kong manganak sa anak namin na sina Solar Vinn at Sky Gel ay iniwan na ako dito sa Pilipinas. Imagine! Kambal ang anak namin at hinayaan lang akong mag-isag mag-alaga sa dalawa. Makalipas ang dalawang buwan ay nagbakasyon kaming pamilya sa London. Kunyari pang masaya ang mokong na nagbakasyon kami pero puro trabaho ang inatupag kaya ginawa ko sa kanya ko pinaalaga ‘yung kambal. Alam kong torture ‘yung ginawa ko pero alam niyo ‘yun? Nakakainis lang siya.

Pitong taon na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nagbabago. Lagi pa rin akong iniiwan.

Nung nag-isang taon na ang anak namin ay umuwi siya dito sa Pilipinas. Nung kailangan na  naman niyang magtrabaho ay isanama niya nalang kami pero wala pang isang taon ay nagpasya na kong umuwi dahil hindi iyon ang lugar para sa amin ng mga anak ko. Naaasar ako sa Daddy nila dahil mas mahal pa ata niya ang trabaho kaysa sa amin. Kada dalawang buwan ay nagbabakasyon kami para makita ang Daddy ng mga anak ko pero hindi ako nakatiis ay ‘yung mga anak ko nalang ang pinapupunta ko kasama ang mga Lolo’t Lola nila.

God! Alam niyo ‘yun? Nagtatampo ako sa kanya, naiinis ako sa kanya. Gusto ko siyang batukan dahil hindi nya man lang naisip na nangungulila ako sa kanya. XD Gusto ko dito nalang siya magtrabaho, gusto ko kasama namin siya.

Dalawang taon ko na siyang hindi nakikita sa personal, laging sa skype lang. At hindi ako ganon nakikipag-usap sa kanya. Aminado naman ako na miss na miss kona siya pero sana naiisip niya rin na nag-iinarte ako ngayon. Yung ungas na ‘yun, ang talino pero hindi naman makaramdam na miss ko na siya.

“Siguro kung tayo ang nagkatuluyan ay may mga anak na rin akong ganyan.” Napairap ako sa kawalan

“Eh sira-ulo ka eh. Niloko mo ko.” Natawa siya sa sinabi ko

“Ikaw naman. Hindi kita niloko. Mahal ko lang talaga si Magui nung mga panahong iyon.” Malungkot siyang ngumiti. Tumingin ako sa kanya.

“Tama ka! Mahal mo siya ‘nun. Eh ngayon ba?” pabiro kong tanong sa kanya.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon