♥♥CHAPTER 53 (Masyadong matagal)♥♥

746 11 2
                                    

CHAPTER 53 (Masyadong matagal)

 

Dumating ang araw ng graduation namin pero hindi ako nakapunta dahil sa kalagayan ko. Nakakalakad na ako ngunit hindi rin ako nagtatagal sa pagtayo at agad din umuupo. Malungkot ako nung araw na iyon, kung wala sana ako dito sa ospital ay nakapag-speech ako sa harapan ng mga estudyante at masayang inuwi ang medalya. Marahil proud sa akin o di naman kaya mangiyak-ngiyak sina mommy dahil grumaduate ako ng Salutatorian.

Napangiti ako. Sayang at hindi ko manlang siya nakita. Hindi ko nakita kung paano niyang napagtagumpayan ang lahat. Halos lahat siguro ay humahanga kay Kyle dahil hindi lang siya basta gwapo, mayaman, mabait, sikat sa school, matalino rin siyang tao at gumraduate siya ng Valedictorian. Kaya naman kaliwa’t kanan ang oportunidad na dumarating sa kanya. At ngayon nga mag-aaral na siya sa ibang bansa at iiwan nako :((((

Makalipas ang isang linggo ay nakauwi na ko sa bahay. May mga pasa pa rin ako sa katawan pero pinapasalamatan ko pa rin dahil nandito pa rin ako sa mundong ibabaw at nakakasama ko pa ang mga mahal ko sa buhay. Thanks God sa second chance ng buhay ko.

-

Kasalukuyan kong minamasahe ang mga paa ko dahil pakiramdam ko ay matagal itong namanhid nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Inuluwa nito ang nakahalukipkip at nakataas na kilay ng ate ko. Napasamid naman ako.

“OMG. Ate! Goodvibes please.” Sinimangutan ko siya

“Huwag mo kong artehan d’yan.” At inirapan niya ko.

“Anong kailangan mo?” nakanguso kong tanong at alam kong sa mga oras na ito naiinis na iyan.

“OMG. Gellinaia. Goodvibes please, yang nguso mo susupalpalin ko.” Ginaya niya ko dahilan naman ng paghalakhak ko. Ang arte lang. Umupo siya sa tabi ko.

“May masakit pa ba d’yan sa paa mo? Don’t get me wrong hindi ako concern sa’yo, gusto ko lang malaman.” Napabungisngis ako sa sinab niya.

“Oh talaga?” nagtaas ako ng kilay. Tumayo ako saka tumalon-talon. Nagdikwatro naman siya at tinaasan ako ng kilay.

“See ate? Maayos na ang paa ko. Medyo masakit lang nga yung sugat ko sa katawan.” Napailing siya

“Ako na nga pala mismo ang pumatay sa mga gumawa sa’yo nyan.” Nanlaki ang mata ko.

“HUWAAAAT!!?”

“Pwede ba ‘wag kang sumigaw?”

“P-ppero ate, ano—”

“Huwag ka ngang O.A asa ka naman gagawin ko ‘yun.” tumayo siya. “Nasa mabuti silang kamay kaya ‘wag mo silang intindihin.” Naglakad na siya patungo sa pintuan.

“And by the way.” Tumingin siya sa akin ng mahawakan na niya ang door knob. “May naghihintay sa’yo sa baba.” Ngumiti siya at lumabas na. Napakunot ako ng noo

Nagtaka ako kung sinong naghihintay sa akin sa baba? Si Dianne? God ‘yung babaeng iyon, ang aga pa para sa mga gala-gala. Napairap ako sa kawalan at nagmartsa patungong baba.

Nasa may hagdan palang ako ay tanaw ko na ang maganda, perpektong katawan ng isang lalaki. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mabilis at mabibigat na ang hiningang pinapakawalan ko.

Nang makababa na ko ay kitang-kita ko na ang likod niya. Amoy na amoy ko ‘yung pamilyar niyang bango. Naka-all black siya. God! Tindig niya palang, sumusuko na ko. Bumigat ang mga mata ko at nagtutubig na naman.

“K-kyle…?” lumingon siya sa akin. Sumakit ang dibdib ko ng makita ko ang mapupungay niyang mata. Matagal kong hinintay na puntahan niya ko, na makita siyang muli, yung matangos niyang ilong, yung nakataas at medyo gulo niyang buhok. Yung mapupula niyang labi. Yung mukha niyang makinis na nahiya na ata ‘yung mga pimples na dumapo doon at lahat pa. Miss na miss ko na siya. Hindi ko namalayan na magkaharap na pala kami. Napakagat ako sa labi dahil pinipigilan ko ang luha kong tumulo.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon