♥♥CHAPTER 2 (The Cute Boy)♥♥

886 17 0
  • Dedicated kay essel sison
                                    

♥♥CHAPTER 2 (THE CUTE BOY)♥♥

Nasa mall na kami. Tulad ng inaasahan ko kay Dianne na ganito ang mangyayari sa pagma-mall namin ngayon. Si Dianne yung klase ng tao, pagnagpunta sa mall panigurado puro kaartehan yung mga bibilhin niyan or something pampaganda mga damit, shoes and heels etc. Kaya naman pagnagshopping ‘yan gusto niya ako ang kasama niya kase nung minsan sinamahan siya ng Daddy niya halos maiyak daw si Tito dahil grabe daw ‘yung anak niya. Bukod sa ang dami na niyang pinamili at ang mamahal pa ng mga ito, sa kanya pa raw pinabuhat ni Dianne at ang tagal pang mamili. Kaya simula ‘nun hindi na sinamahan ni Tito si Dianne sa pags-shopping.

Dahhh!! Padadaig ba ko sa bruha na ‘yan. Kung iyan may nalalamang kaartehan, mas malala ako noh! Tignan natin kung may ibubuga ba siya sa’kin.


Natapos kaming mamili ng mga pampaganda namin. At nanlalaki ang mga mata ni Dianne sa mga pinamili ko. Halos hindi ko na kase mabuhat ‘yung mga pinamili ko. ito lang ‘yung ayaw ko e, wala taga bitbit.

“Paks, I dunno what to say pero grabe ka pa rin mas malala ka talagang magshopping sakin.” Natawa ako sa sinabi niya

“Syempre maarte ako , ano tutunganga nalang ba tayo dito? Pwede na ba tayong pumunta sa NBS?”

“Hahaha oo punta na tayo baka maubos pa pera ko dahil sa kaartehan natin.” .....sabay tawa naming dalawa..

Nung nasa nbs na kami, kinuha ko na lahat ng kakailanganin ko para naman hindi na pabalik-balik pa dito. nagkakaubusan narin ng stock kase naman dagsa na ‘yung mga tao. Parang last two minutes shopping na nila ito at simula na naman ng kalbaryo ng bawat estudyante.

“Paks ang cute nung teddy bear.” Tinignan ko naman, umirap ako sa kawalan. Hindi ko malaman sa babaeng ito kung bakit ang hilig niya sa mga teddy bears. Hindi ba siya nagsasawa sa mga laruan? Hindi naman sa pagiging KJ pero hindi naman kase ako mahilig sa mga ganyang bagay. Pero meron din naman akong ganun sa bahay namin pero hindi naman katulad ng sa kanya. Kaya kung makakapasok ka sa kwarto niya mapagkakamalan mo pang nagbebenta siya nito.

“Ah oo nga noh, kamukha mo.”  walang gana kong sinabi. Napangiti ako nang sumimangot siya.

“HEH!! ang sama mo, gusto kong bilhin yun iih.” Saka siya ngumuso. Ghad. Nakakairita. Gusto ko ako lang ang gumaganon.

“I know. Tara na nga, kunin na natin baka maunahan ka pa nag-iisa nalang ata yun.”

Hinila ko na siya. Pero nung kukuhanin na ni Dianne yung Teddy bear, bigla namang kinuha nung lalaki. Pagkatingin namin ni Paks sakanya...

Halos lumabas na ang mata ko sa nakita ko. Napapamura naman ako sa utak sa kakisigan ng nilalang na ito.

 O.M.G ang gwapoooooooooooo....... isang dahilan namin ni Dianne kung bakit kami madalas sa mall kase nagb-boy hunting kami. bigla akong napangisi. Makipaglandian nga ako sa kanya.

 “Paks ako ng bahala kay cute boy :)” bulong ko kay Dianne sabay kindat.

 “Sige, go ^_^”

 “Amp, excuse me nauna kami sa teddy bear na ‘yan.” with pasweet voice pa yun ha..

“Ha!? Ito ba miss *sabay taas nung teddy bear* sorry na sakin na eh, tsaka obvious naman nasa kamay kona nga diba?” napaawang ako ng bibig sa sinabi niya. Aba lintik pilosopo... >.< kalma lang ..kalma lang...sabi ko sa sarili ko..

“Pleassse.. gustong-gusto kasi ng bestfriend ko ‘yung teddy bear kaya paubaya muna samin”....gosh..first time ko atang magmakaawa para mapansin lang ng isang ‘to. Naku kung dika lang gwapo di ko gagawin to.

“Ms. sorry talaga ibibigay ko kase 'to sa nililigawan ko okay lang sana kung mga chikabebes ko kayo kaya lang di ko kayo type.” anu daww?? mga chikabebes? The fvck..gawin ba kaming collection niya and ano daw di kami type? Dahh sa ganda naming toh? Kung palipitin ko kaya ‘yang leeg niya.

“Eh sa kami nga nauna d’yan, kukuhanin na nga ng bestfriend ko pero inunahan mo s’ya.” pagalit kong sabi. Nakakainit ng ulo. Oo na, hindi ko kayang magtimpi pagnasa ganitong sitwasyon nako. Baka masupalpal ko pa siya. 

“Miss kasalanan ko bang babagal-bagal ‘yang bestfriend mong kuhanin to...”   aaaaahhhh lintik nanggagalaiti nako sa galit..

“Paks, hayaan muna nakuha na n’ya eh. Yung isa nalang ‘yung kukunin ko, cute rin naman ‘yun” Saka niya hinawakan ang braso ko na agad ko naman tinanggal. Umaamba akong susuntukin siya. Nakakainis kase nakangisi pa ‘yung lalaki sa amin habang ako halos lumabas na ‘yung ugat ko sa leeg.

“Ghaaaad Paks. Hindi ako mahilig sa mga teddy bears churva na ‘yan pero marunong akong makaappreciate kung anong maganda at ‘yung napili mo iyon ang maganda. Bakit di kana lumalaban e, tayo naman talaga nau-nn----------” arooh lagot! bakit ko nga pala minaliit ‘yung kakayahan niya. Sa una kalma lang ‘yan hanggang sa parang kulang nalang mangain yan ng tao. Ganyan itsura n’yan pagmagsisimula ng dumada. Bago pa mangyare yun hinila kona siya para makalayo dahil ayaw ko nang eskandalo dito, kakaibang magalit si Paks parang makakapatay ng tao..

Pumunta na kami sa cashier para mabayaran na yung mga gamit na pinamili namin. Nung nakapagbayad na kami. Gosh nakita ko na naman si balahurang impakto na lalaking yun. Ang cute  pa naman, waaaaahh NOOOO!! di siya yung type ko no. Yuck! Nakita ko pa siyang nag-evil smile sakin. Ghaaad sarap hambalusin parang pinamumukha niyang 'ang tatanga n’yo' ghad swear pagnakita ko pa yun malilintikan siya sakin..

~

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon