♥♥CHAPTER 9 (Yabang)♥♥

729 15 4
                                    

CHAPTER 9 (Yabang)

VINCENT KYLE POV

-LUNCH BREAK-

Pinuntahan ko yung New Classmate namin, pansin ko kasing wala pa ata siyang kaibigan. 

“Hey dude! Ako nga pala si Vincent Kyle Lopez, Vince nalang itawag mo sakin.” pakilala ko sa kanya.

“Ako naman si Adrian Santos.” at nagmanly hug kami XD.

“Oh! Mukhang nadagdagan na tayo ha?” sabi ni Jerome

“Ako nga pala si Jerome Lim, Adrian right?”

“Yup! Ayos lang bang sumama ko sa inyo?" tanong n’ya samin.

“HAHAHA! Dude bilang lang ‘yung mga kaibigan namin dito sa school kaya swerte ka kung mapasama ka sa grupo namin pero don't worry dude hindi naman kami BI. Magiging BI lang kami sayo dahil lagi kaming napapalibutan ng mga babae dahil gwapo kami.” Ganyan talaga pag-gwapo, nagbubuhat ng sariling bangko. :D

“HAHAHA! Okey lang ‘yan dude sanay na rin naman ako sa ganyang eksena.” See? Tulad ko rin pala ang isang ito. May pagkamahangin rin pala.

“Oh yun naman pala eh, magkakasundo pala tayong tatlo.” ani Jerome.

Yun nga nagkasundo kaming mga gwapo :). Sa kabilang dako :) Narinig ko yung  pinsan ko.

 ----

“Mga sissy san tayo?” tanong ni Angel

“Canteen nalang tayo.” Dianne

“Ano Ghel? Gusto mo ba?"

“Yah! Gutom na rin ako eh.”

 ---

Nung nagsalita si Keisha napatingin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit nitong mga nakaraang araw gustong-gusto ko s’yang nakikita, gusto ko s’yang inaasar. Ewan ko ba masaya lang ako hahaha.

Bigla siyang napatingin sa direksyon ko, ngumiti ako sa kanya syempre hindi yan ngingiti bagkus iirapan pa ko niyan :)

“Ah sige ,tara na.” yaya ni Angel 

“Guys gusto nyo bang sumama samin maglunch?” alok ni Dianne

“Sure! Sasama kami.. diba mga dude?” nakangiti kong sabi

“At sino naman nagsabi na kasama ka? Si Jerome at Adrian lang, hindi ka kasama.” mataray na sabi ni Keisha.

“OH c'mon babe. Patawa ka naman, alam ko namang gustong-gusto mo talaga akong kasama , kaya wag kanang pakipot.” Ngumisi ako sakanya

“Duh! Mandiri ka nga sa sarili mo Lopez at anong sinasabi mong Babe?? Babe mo mukha mo ewww.” Natawa ako, arte talaga nitong babaeng 'to :D

“Paks isama muna ‘yung BABE mo *kyut nyong dalawa* hahahaha.”

“ARNIE!!!!!”

“HAHAHA joke lang naman.”

 ---

Sabay-sabay din kaming naglunch, kwentuhan tungkol sa kanya-kanyang buhay, asaran, banatan ang nangyari. Yung mga tao naman sa paligid namin hindi nila maiwasan hindi tumingin, magsama-sama ba naman yung magaganda't gwapo. Pinasadahan ko ng tingin ‘yung mga babae, hinawakan ko ‘yung labi ko at kinagat. Ngumiti ako sa kanila at kinindatan. Narinig ko naman ang mga tilian nila. Natawa nalamang ako sa naging reaksyon nila.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon