♥♥CHAPTER 22 (Part 1: AnCko Loveteam)♥♥

444 5 0
                                    

CHAPTER 22 (Part 1: AnCko Loveteam)

 

ANGEL POV

 

“Issa may napili kana bang pwede natin gawing model?” tanong ko kay Issa na busy namang maghanap sa internet ng new hairstyle.

Lalaban na naman kase kami ni Issa at kailangan na naming magpractice.

“Ikaw? Kahit sino naman eh mapapaganda naman natin sila.”

“Sa bagay!” lumapit ako sa kanya at binigyan ko siya ng juice at cookies.

“But I think it’s either Gellinaia or Dianne.” Umupo naman ako.

“Bagay nga tayong magpartner. Sila rin kase yun choice ko. Maganda silang dalawa and meron din silang so-called-karisma :D.”

“Ah wait lang sino sa kanila? Parehas silang maganda pero isa lang yung kailangan natin.” Sabi niya

“Hmm. Si Dianne nalang kaya? Iba kase yung ganda niya nakita mo naman nung inayusan natin siya diba?” suggest ko

“ Well tama ka dyan. Sige siya nalang. Punta muna ako sa office ni Madam Sunget :DD ipapakita ko lang itong napili kong hairstyle.’

“Loka ka! Baka nandyan pala yun eh. Mabatas kapa ni Ms. Principal :D” biro ko sa kanya

“HAHAHA hayaan mo siya.” Naglakad na siya palabas. “Sabihin mo na rin pala kay Dianne yun ha!” nag-okey sign lang ako at tuluyan na nga siyang umalis.

7:45 am na. siguro nandiyan na yung dalawa. Maaga kase kaming pumasok ni Issa para nga ayusin ‘tong gagamitin naming mga make-up at gamit sa buhok. Excuse na rin naman kaming dalawa sa lahat ng subject. Inayos ko muna itong kinalat ni Issa na mga make-up. naku yung babaeng yun pagkatapos ikalat iiwan nalang dito.

Tumayo na ako para puntahan si Dianne. Pagbukas ko sa pinto nagulat ako dahil nasa labas si Mycko.

“Ahh m-may kailangan ka?” nauutal kong sabi. Napakamot naman siya sa ulo.

Shet ang bilis ng tibok ng puso ko >////<

“Wala naman.”  Tumango lang ako.

“Ah ganon ba. Sige alis na ako.”  Paalam ko sa kanya. Iniiwasan? Tch.

“Wait lang! sabay na tayo.”

DUG.DUG.DUG.DUG.

Ayh grabe umepal ka na naman heart ah. >///< tinignan ko lang siya.

“Pwede ba?” tanong pa niya

Pwede ba?? Err. Kase. Diba! Ano!?

“Ah sige okey lang kung ayaw mo.” tumalikod na siya sa akin.

So ganun? Di pa nga ako sumasagot. Ayaw na agad? Di makapaghintay?

“S-sandali lang!” huminto naman siya at lumingon sa akin.

“Sabay na tayo!” ngumiti naman siya

>//////o//////< huwag kang gumanyan. Baka mahimatay ako dito ng wala sa oras.

Sa baba lang ako nakatingin medyo nahihiya kase ako eh. Tapos siya naman nakalagay sa bulsa niya yung isang kamay niya at nakatingin siguro siya sa way namin not sure dahil nakayuko nga ako.

“Awww! Sila naba? Sabagay sila naman talaga yung loveteam diba? :D”

 

“Mas bagay sila noh”

 

“Ganda kase ni Angel di tulad ni Magui pakitang-tao ang peg.”

 

“So cute. AnCko Loveteam poreber.”

 

“Ako rin! Tsaka VinGel Loveteam :D”

 

Napansin ko naman na nakangiti siya. Err anong nginingiti-ngiti niya? Tumingin naman siya sa akin kaya agad naman akong umiwas ng tingin at yumuko nalang. Sige na. ang gwapo niya pa rin. >///<

---

NOTE: Short update lang po ito. Hinati ko po kase by Part :)

******

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon