♥♥CHAPTER 41 (Walang forever)♥♥

569 8 4
                                    

CHAPTER 41 (Walang forever)

 

TIWALA? Siguro ‘yan na muna ang panghahawakan kong salita magmula ngayon. Hindi naman sa wala talaga akong tiwala kay Kyle pero.. Arg! Paano nga naman magtatagal ang relasyon kung wala kayong tiwala sa isa’t isa. Pero ano naman kaseng magagawa ko? Aba naman, ang dami ko nang napanuod at nabasang story at pati ba naman sa istorya ko si ‘dakilang ex’ pa rin ang pumapapel. Lagi nalang, nakakainis. Pagnakita ko ‘yung ex nitong hinayupak na lalaking ito talagang papasalvage ko para naman mabawasan ang mga dakilang ex na pumapapel sa isang relasyon. My god para di na sila lumaganap pa.

“Psh. Anong iniisip mo?” umirap ako sa kawalan at humarap sa kanya

“Iniisip ko lang kung paano ka napapayag ng konsensya mong bumili ng couple shirt?” nakangisi kong tanong, knowing him hindi siya ‘yung taong mahilig sa ganyan. Ang alam lang niya badtripin at kalabanin ako. Ngumiti siya at inakbayan ako.

“Ganun kase kita kamahal.” Kinilig naman daw ako sa sinabi niya.

“Kikiligin na ba ako” sarkastiko kong tanong

“Kanina ka pa kinikilig.” Humalakhak siya. Ganyan kataas ang kumpyansa niya sa sarili.

“Ang yabang neto.” Ngumisi siya sa akin, inirapan ko lang ito.

Nagpunta kami sa Timezone. Nag-unat pa ko dahil excited na kong maglaro ng kung anu-ano. Una kaming nagpunta sa may arcade, gusto ko dito dahil magaling ako dito di sa pagmamayabang. Pero masyado kong minaliit ang kasama ko, naalala kong kapitan nga pala siya ng basketball team sa school namin.

Ilang beses pa itong nagyabang sa akin. Ayaw kong nagpapatalo sa kanya kaya naman ilang beses pa kaming naglaro ‘non pero wala akong panama sa kanya kaya nagpasya akong maghanap nang ibang laro at nakita kong sa bandang kanan ay maraming sumasayaw. Napangiti ako dahil parang maganda iyon kaya hinila ko na siya doon.

Natatawa ako sa kanya kase nakakunot na naman ang noo nito halatang di nya gusto ang ideya ko. Ilan beses pa kaming nagtalo dito.

“Ayaw ko diyan.” May halong pagkairita sa tono ng pananalita niya

“Gusto ko dyan, cool.” Pang-iinis ko sa kanya tska humalakhak ako.

Napakamot siya sa ulo. “Nakakabakla ‘yan eh. Sa iba nalang.”

Nakaka- ano daw?? Kung sipain ko kaya siya. Ang daming lalaking sumasayaw dito tapos sasabihin niyang nakakabakla. Naiinis ako sa kanya.

“Okey fine. Sa iba nalang tayo.” Nakanguso akong tumalikod. Agad ko naman naramdaman ‘yung kamay niya kaya napahinto ako sa paglalakad.

“Tara na nga.” Hinila na niya ako. Nagpumiglas pa ako nung una.

“San tayo pupunta?” nakangisi kong tanong

“Psh. Huwag ka nang painosente dyan. Alam mo naman kung saan.” Tumawa nalang ako

Ako na ang pumili ng sasayawin namin. Nagtataka lang ako kung bakit ayaw niyang sumayaw? Minsan naikwento ni Angel sa akin na madalas daw silang sumali sa dance contest magbabarkada. Tumingin ako sa kanya at napabuntong hininga ako ng makitang maraming nakatingin sa kanya. Kahit saan ata kami magpunta may nakakakilala kay Kyle kaya naman ginaganahan siyang sumayaw dahil may taga-cheer ito. See! Sabi na eh magaling siya sa lahat. Maging sa pakikipaglandian.

MY MORTAL ENEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon