Chapter 13

44 6 0
                                    

" Mommy?!"

Agad kong tinulak si Luca at dinampot ang damit ko. Hindi ko alam kong ano ang gagawin. JEEZ! Hindi dapat ito nangyari, nakakahiya sobra.  Nanginginig ang mga kamay ko habang nakatitig sa damit. Wala akong maisip na matino. Paano ako magpapaliwanag kay mommy? Paano ako haharap sa kanya? Wala akong mukhang ihaharap sa kanya. Biglang hinawakan ni Luca ang kamay ko. Napatingin ako dito.

" Hey, calm down. " He said.

" Anong gagawin natin ngayon?" Naiiyak kung tanong.

He laughed. Again he do it again, the true him. " Silly girl.  Ofcourse go to see mom. "

Tama siya, kailangan kong kumalma. Agad kong binawi ang aking kamay at lumayo sa kanya. This guy is dangerous as I imagined. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at lumabas ng kwarto at saka bumaba. Nakita ko si Mommy na nakaupo sa sala habang may kausap. Kinalma ko muna ang aking sarili at pinilit kong maging normal ang aking boses.


" Mommy! Your home! " Sabi ko sabay yakap sa kanya.

" Sam! Oh dear, I miss you so much, where's baby Xaviee? " Tanong niya kaagad.

" Tulog na po my. " I smile.



Biglang kumunot ang noo niya at parang may inaamoy. Mabaho ba ako?

" Iha, naglagay ka ba ng pabango ni Luca?" Taka nyang tanong.


Bigla akong kinabahan, sobrang lakas ng tibok ng puso ko.. Anong e sasagot ko? Inamoy ko ang damit ko at oo, amoy nga ng pabango ni Luca ang damit ko. Sobrang tapang pala ng pabango ng lalalking yun at dumikit pa sa akin! Jeez ano ang e rereact ko.


" Ah.. eeeh.. ginamit ko po. " Agad kung sagot. " Oo tama. " Sabi ko at umiwas ng tingin kay mommy.


" Iha? May problema ba?" Nag-aalalang tanong ni mommy.

" W-wala my.  Akala ko kasi akin yung pabango kasi parehas ng kulay kaya nagamit ko. " Alanganin kong sagot.

" Ahh. " Tanging sagot ni mommy.

Nabawasan ng kaba itong nararamdaman ko dahil hindi na nagtanong pa si mommy.

" Iha, hindi ka ba nagsuklay? Magulo ata ang buhok mo. "

Lumaki ang mga mata ko ng sinabi nya iyon.  Napahawak ako sa buhok ko, shit nakalimutan kung ayusin ang buhok ko. Tanga-tanga ko talaga!

" P-po. A-ah k-kasi p-"


" Mom! How's vacation. " Naputol ang sinabi ko ng sumingit si Luca.

Agad na lumapit si mommy sa kanya at niyakap  siya.  Again, nabawasan na naman ang kaba ng dibdib ko. Nakita ko si Luca na kinindatan ako. Jeez! Naalala ko tuloy ang nangyari kanina. Ano ang mukhang ihaharap ko sa kanya? Hindi ko na ata kakayanin tumira pa dito, kailangan na naming umuwi. Please pauwiin nyo na po kami. Huhu


Pero nandito nanaman si mommy, ibigsabihin pwede na kaming umuwi ni Baby sa condo namin. At ibigsabihin hindi ko na makikita ang pagmumukha si Luca.. haist, hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako kay mommy o mahihiya.

Nagpaalam muna ako sa kanila na aakyat muna sa taas para tignan si Baby. Pero ang totoo ay inihanda ko na ang mga gamit namin para diritso uwi na. Habang nag-eempake ako ay bigla kung naalala kanina ang nangyari. Those kiss, those touch, those face, I remember you.. It seems like I am with you, I miss your kiss and touch, your voice, I miss everything.. But..

Pagkatapos kong ihanda ang mga gamit ko ay bumaba ulit ako sa sala. Narinig ko ang pag-uusap ng mag-ina.

" Kamusta naman kayo dito? Is everything alright?" Narinig kong tanong ni mommy sa anak niya.

" Yes mom. Wala namang problema. And Xaviee is really a smart kid. I can see he will be a successful kid someday. " Pagpupuri ni Luca kay Xaviee. Well, Xaviee is really a smart kid, mana sa daddy nya.



" I'm glad to hear that from you anak. Parang napamahal kana sa pamangkin mo ah. "


" Hindi naman siya mahirap mahalin. And besides, Xaviee always calling me daddy. He treat me like his real dad. "




Sad to say that Xavier didn't experience to be a dad. Hindi man lang nya naranasan kung paano maturing na ama ni Xaviee gaya ng pagturing ni Xaviee kay Luca bilang isang ama.


" Talaga nak? Naku nakakatuwa naman itong apo ko. " Masayang sagot ni mommy.

" By the way my. Babalik pa ba kayo sa states?" Pag-iiba ni Luca.


Napabuntong hininga si mommy. " Yes nak.  Ewan ko ba jan sa Daddy mo, gusto nya na nandoon ako palagi sa kanya. Na miss nya ata ang maganda nyang asawa. " Si mommy sabay tawa.




" Aalis na naman kayo my? "

Patay na tayo nito. Akala ko ba ay makakauwi na kami.  Pero bakit? Ibig-sabihin makakasama ko pa ng matagal si Luca dito sa bahay.  Naku, magpapalamon nalang ako ng lupa kapag ganon nga ang mangyayari.




" Oh Iha andyan ka pala. May ipapakiusap rin sana ako sayo. " Aniya.

.



" Po?" Medyo nagulat ako sa sinabi ni mommy.



" Gusto kasing makasama ng daddy mo si Baby. At nakiusap siya sa akin na kung pwede ba daw sa pagbalik ko ng states ay kasama ko si Xaviee. Ang sabi ko naman ay kung yun ay papayag ka. Kaya pinapakiusapan kita ngayon Sam. " Nangungumbinsing sabi ni mommy.





Hindi ko alam ang isasagot ko. Ni minsan ay hindi pa nawalay sa piling ko si Xaviee. Hindi ko kakayanin na hindi siya makita araw-araw lalo na't pang-matagalan. Pero, ayaw ko namang ipagkait ang anak ko sa lolo at lola nya. Kailangan ring ma experience ni Xaviee kung gaano kaganda ang mundo gaya ng globo  na palagi niyang nilalaro. So that, I need to decide...




" Kung yun po ang hiling ni Daddy. Sige po, papayag po ako na isama nyo po si Xaviee. " Mahirap man sa kalooban ko kailangan ko ring magdesisyon ng tama, at yun ang tama. Lalo na't nasa palagid lang namin ang mga masasamang tao. Kailangan ko ring isipin ang kaligtasan ng anak ko alang-alang sa buhay nya. Tsaka makakapagtrabaho ako ng maayos ng hindi nag-aalala kay Xaviee dahil alam ko na nasa ligtas siya at hindi katulad ng ginawa ni Luca sa kanya, basta-basta nalang itong pinapaalagaan sa iba.



" Oh dear, thank you so much. " Abot ang ngiti ni mommy ng sabihin iyon.




" Matutupad na ang pangarap ni Xaviee na maging isang traveler. " Natatawang sabi ni Luca. " Right Sam?" Dagdag pa nito.


Tinignan ko siya ng masama. Naiilang parin ako sa kanya dahil sa nangyari.




" Kailan ang alis nyo my? " Tanong ko para maihanda ko ang gamit ni Xaviee.


" Bukas na Iha. " Sagot nito.





" Bukas na?!" Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapasigaw.



Bakit ang bilis naman ata? Susulitin ko pa sana na makasama ang anak ko. Ngunit ano namang magagawa ko diba? Mas mabuti narin ata yun para makabalik na ako sa condo ko, Isang buwan narin pala simula noong nandito kami naninirahan.



I will miss you baby...

Next To Him ( BOOK 2: LUCKY ONE ) Where stories live. Discover now