" Sami-samiiee " abot tenga ang ngiti ni Jean papalapit sa akin.
Sigurado akong pipilitin na naman akong sumama nito sa bar. Mga Ilang beses na bang nag-aya sa akin tong kaibigan kong to? Mga halos sampung beses na ata.
" Kahit anong pilit mo sa akin hindi ako pupunta. Nag-hihintay sa akin si Xaviee doon sa bahay. " Sagot ko habang nililigpit ang mga gamit ko.
Gaya ng ipinangako ko kay Xavier noon, ipapangalan ko sa anak namin ang pangalan niya. At sobrang napaka-gwapo na bata, mana talaga sa ama.
" Eh, ngayon lang naman. Tsaka si tita Mems naman ang nagbabantay kay Little Xaviee. At isa pa ngayon lang talaga to promise. Hindi na kita yayayain sa susunod. Sige na." Aba't parang bata na nag-mamakaawa sa harapan ko.
Tinignan ko siya ng masama at ngumuso. " Sige na nga, pero ngayon lang ha hindi na mauulit. "
" Yey! Sa wakas at pumayag rin. " Halos mawala na ang kanyang mata sa sobrang saya.
Wala akong magawa kundi pumayag nalang dahil alam kong hindi ako nito titigilan. Si Jean ang kauna-unahan kong kaibigan dito sa opisina, pinsan nga pala siya ni Xavier at siya rin ang dahilan kong bakit ako nakapasok sa kompanyang ito. Mahigit tatlong buwan na rin ako rito ngunit nakakapanibago lang dahil hindi ko pa nakikita ang CEO ng kompanyang ito. As in sa lahat ng katrabaho ko dito ay hindi pa nakikita ang boss namin.
Napatanga ako ng makita ang harap ng Bar, grabi sobrang laki at halatang mamahalin. Sigurado ba talaga si Jean dito na dito talaga kami pupunta? Eh pang 5 star bar na ito ah.
" Jenjen, sigurado ka ba dito? Wag nalang kaya tayong mag Bar. " Sabi ko habang nakatingin parin sa labas.
" Sureball na ako dito Sami. Tsaka wag kang mag-alala hindi naman ako ang mag-babayad ng gasto sa loob eh, si boss. "
Tumaas ang isa kong kilay at napangisi. " Sorry sa tanong kong to Jenjen ha, pero may relasyon ba kayo ni Boss?"
Binatukan nya ako bigla. " Aray!"
" Relasyon ka d'yan. Wala kaming Relationship ni boss okay? Sadyang malakas lang talaga ako sa kanya. " Saka ngumiti at kinindatan ako.
Nakita na kaya niya ang boss namin? Posibleng hindi dahil sabi nga niya kani-kanina lang ay si boss ang mag-babayad ng gastos sa loob. Maybe their seeing each other in private.
" Kailangan pa talagang mambatok?At tsaka bakit nya tayo, I mean ikaw e lilibre ng ganitong mamahalin ng bar kung wala kayong something. " naguguluhan kong tanong.
" Walang something okay? Napaka malisyosa mong tao. " Pangangatwiran niya.
" Malisyosa agad? Nagtatanong lang eh. " As in bakit ang defensive niyang sumagot kung walang something diba?
" Wala talaga, kahit lamunin pa ako ng mga lalaki ngayon, wala talaga. "
" O sige na nga wala. " Sabi ko nalang para matapos na ang aming pagdi- dibati. " Wag nalang tayo dito Jenjen, hindi ko feel mag bar ngayon. "
Hindi ko talaga feel dahil sigurado akong naghahanap na sa akin si Xaviee ngayon. Nagpaalam naman ako kay mommy na mali-late ako ng uwi ngayon. At sana lang ay ok lang ang lahat sa bahay lalo na kay Xaviee.
" Ano kaba, nandito na tayo oh, at saka grasya na ito bess grasya na. Sigurado akong mag-eenjoy ka sa loob. Happy happy rin minsan, nalulungkot kaya ako kapag nakita kang malungkot lalo na pag naalala mo na naman si Xavier. Hanggat may buhay, dapat masaya lang. Oki?"
Ngumiti ako at tumango. Tama si Jean, habang may buhay dapat e enjoy ang mga nangyayari sa buhay natin. At hindi ito ang oras na magiging mahina ako, may anak pa akong umaasa sa akin. Hindi ko hahayaan na mawala ako sa tabi niya.
Pumasok kami sa loob ni Jean, halos mga mayayaman ang nandito sa loob. Naninibago parin ako sa nakikita ko ngayon dahil ito ang kauna-unahan kong punta sa mamahalin na bar. Ganito pala talaga ang loob ng mamahaling Bar. Naaliw ako sa mga disenyong nakikita ko, sobrang ganda at halatang mamahalin ang mga pintura and nangingi-babaw talaga ang kintab nito. Nilibot ko talaga ang mga mata ko, sobrang yaman talaga ng may-ari neto.
" Hey bitch! Watch your fucking step!" Bulyaw sa akin ng babae.
Hindi ko namalayan na may nabangga na pala akong tao dahil sa napaka temptasyon na mga desinyo na nandito.
Tinaasan ako ng kilay ng babaeng kaharap ko at halatang pinag halong inis at sobrang galit dahil nga nabangga ko siya. She's beautiful and sexy, at pang-mayaman rin ang pormahan at may mala porselanang mga balat dahil sa sobrang kinis nito. Actually she's totally perfect. Nakapalibot pa sa kanya ang mga kaibigan niyang mga lalaki at babae na mayayaman rin.
" I'm sorry. " Sincere kong pagkakasabi.
Hindi ko namalayan na nawala na pala sa tabi ko si Jean.
" Excuse me. " Sabi ko, ngunit hinarangan niya bigla ang dinadaanan ko, ayoko ng gulo kaya umiwas nalang ako at hinahanap si jean.
Nagpatuloy na sana ako ng paglakad ng biglang hinila ang buhok ko.
" Ouch! Ano ba nasasaktan ako! Aray!" Sigaw ko dahil sa sobrang sakit ng paghila nito sa mahaba kong buhok.
" You ruined my night bitch! You deserve to be punished!" Nang-gigigil niyang sabi habang hinihila niya parin ang buhok ko.
Hindi ako makaganti dahil patalikod niya akong hinila. Nanghihina ako sa sobrang sakit. Pilit kong kinukuha ang kamay niya ngunit sobrang lakas niya para alisin ko iyon. Narinig ko ang sigawan ng mga tao sa paligid. Wala man lang nagtangkang tumulong sa akin.
" Get off my hair! Please! " I almost begged to her.
" You deserve this! " Napa sandal ako sa pader at pinagsasampal niya ako.
Hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko sa sobrang sakit ng mukha ko dahil sa sobrang lakas ng hampas na pinapakawalan niya. Ano bang kasalanan ang nagawa ko, bakit sobra-sobrang pasakit ang ginawa sa akin. Biglang natigil ang babae ng may biglang sumigaw na boses.. Nanghihina ang katawan ko at unti-unting lumalabo ang paningin ko.
Narinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki. " Sam, Sam!"
I know it's blurry when I saw the guy in front of me and try to help comforting me. I can't help my tears and saying his name..
" I- I miss you.. X-avier.. " my heart is aching. I badly miss him.
YOU ARE READING
Next To Him ( BOOK 2: LUCKY ONE )
RomanceIt's been 2 years since I meet Xavier.. I really miss him a lot. Kahit saan ako magpunta lagi ko siyang naiisip at nakikita. The fact that my hallucination kills me. Yes, mahirap parin ang pagkawala niya.. But maybe I should move on and move forward...