" Hey, bakit may maleta dito sa baba? Aalis ka rin?" Kunot noo nyang tanong habang nakatitig sa isang maleta na may lamang mga gamit ko.
Kanina pa nakaalis sila mommy at Xaviee. Hinatid sila ni Luca sa Airport at kakauwi lang nito sa bahay. Ilang oras palang bago umalis sila mommy at Xaviee ay namimiss ko na kaagad ang anak ko. Ngayon ko lang mararanasan na mawala sa piling ko si Xaviee. Pero gaya nga ng desisyon ko mas mabuti na ring wala muna dito si Xaviee para sa kaligtasan nya.
" Uuwi na ako ng Condo ko since wala na naman dito si Xaviee. " Sagot ko sa kanya.
" Why you can't stay here? Hindi naman porket wala si Baby Xaviee dito ay hindi kana titira dito. " Sumandal siya sa hagdanan katabi ang maleta ko at naka Cross ang mga kamay.
Napabuntong hininga ako. Kaya nga ako aalis dahil yun sa kanya. Ayokong makasama siya dito sa bahay na ito, lalo na't kami lang dalawa. Baka maulit na naman yung nangyari. Tsaka, hindi ako komportable na tumira dito dahil alam kung mag-babangayan na naman kami.
" Matagal narin kasing walang tumira sa Condo ko kaya kailangan ko ng umuwi don. " Ngumiti ako ng peke.
" No, you can't leave me here!" Nang-uutos nyang sabi.
Aba?! May gana pang mang-utos. Tsaka wala siyang magagawa kong aalis ako dahil hindi nya ako pag-aari at higit sa lahat hindi ko siya tatay.
" Aalis ako sa ayaw at sa gusto mo. " Sagot ko at kinuha ang maleta ngunit hinawakan nya ang kamay ko.
" No, hindi ka makakaalis kasi may pinababantayan ako sa labas. " Sagot nya.
Kinuha ko ang kamay nya at hinarap siya.
" Alam mo Mister, kahit maglagay kapa ng malaking dingding jan, kahit dinaig mo pa ang Wall of Maria sa Attack on Titan hindi mo ako mapipigilang umalis kasi nga aalis ako dahil yun ang desisyon ko. Naiintindihan mo po?" Paliwanag ko sa kanya.
Hinablot ko ang maleta ko at naglakad palabas sa pinto. Bahala siya kung siya lang mag-isa dito pake ko ba sa kanya. Tsaka alam ko namang hindi yan takot sa multo kasi dahil sa ubod ng pagka suplado, baka ang multo pa ang matakot sa kanya dahil tagos hanggang kaluliwa ang masama nitong titig.
" Bahala ka! " Narinig kong sigaw nya.
Sya ang bahala jan sa masyon nyang sobrang laki.
Binuksan ko ang gate. At sa wakas! Makakauwi narin ako! Tinaas ko ang aking kamay at pumikit para langhapin ang simoy ng hangin.
" Haaaaa, so refreshing!" Sigaw ko at ngumiti.
" Ma'am san po kayo pupunta?"
Napadilat ako at tumingin sa lalaking nagsabi nun. Tinaasan ko siya ng kilay.
" Sino ka?" Mataray kong sabi.
" Ma'am pinag-uutos po ni Sir Luca na wala pong aalis sa subdivision na ito. " Aniya.
" Kasali ba ako sa pinagbabawalan nyang lumabas?" Tanong ko.
" Opo ma'am. " Napatawa ako ng malakas.
" Iba rin ng tama ng boss mo. O sha kulungin nyo na pati kapitbahay nya wag lang ako kasi hindi ako taga rito. " Sagot ko at tinapik ko si manong sa balikat.
" Ma'am wag na pong matigas ang ulo. Pumasok na po kayo sa loob. " Sagot nya.
" Ayoko. "
YOU ARE READING
Next To Him ( BOOK 2: LUCKY ONE )
عاطفيةIt's been 2 years since I meet Xavier.. I really miss him a lot. Kahit saan ako magpunta lagi ko siyang naiisip at nakikita. The fact that my hallucination kills me. Yes, mahirap parin ang pagkawala niya.. But maybe I should move on and move forward...