It's been 2 years since I meet Xavier.. I really miss him a lot. Kahit saan ako magpunta lagi ko siyang naiisip at nakikita. The fact that my hallucination kills me. Yes, mahirap parin ang pagkawala niya.. But maybe I should move on and move forward...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(Baby Xavieee.. Picture)
It's been 2 years since Xavier's gone. And today is his Second Death Anniversary. Nandito kami ngayon ni baby Xaviee sa sementeryo, dinadalaw namin ang pinakamamahal naming tao sa buong mundo.
May nakalagay na bulaklak sa puntod ni Xavier at naka sindi na kandila. Baka maagang dumalaw sina Mommy Shaila dito.
" Say hi to Daddy baby. Say hi Daddy, Xaviee is here. " Umupo kami sa harap ng puntod ni Xavier.
" D-di d-dadi d-di. " Natuwa ako ng banggitin ni baby ang salitang yun.
" Wow, narinig mo yun love? Daddy daw sabi ni baby. " Napangiti ako. " Alam mo love, kung nandito ka lang sana ngayon sobrang saya namin ng anak mo. Manang-mana sayo oh, napaka-pogi at makulit na bata. Alam na alam ko na sayo talaga ito mag-mamana paglaki." Tumingin ako kay xaviee at napa luha. "Nakakalungkot isipin na wala ka sa tabi namin ngayon. Pero wag kang mag-alala love, aalagaan ko ng mabuti ang anak natin, magsusumikap ako para maibigay ko ang pangangailangan niya.. " Hinaplos ko ang lapida niya. " Mahal na mahal kita at hindi magbabago yun. Mahal ka ni baby Xaviee at lalaki siya na ikaw parin ang kinikilalang ama niya. Lagi ka naming dadalawin ni baby dito, kaya kung nasaan ka man ngayon maging masaya ka at nandito lang kami para sayo na hindi nakakalimot. "
"D-didi " sabay turo ni baby sa picture ng Daddy niya.
" Yes baby. Yan si Daddy. " Tinitignan lagi ni baby ang picture ni Xavier. " Paalam na tayo kay daddy baby. Bye daddy lagi ka naming dadalawin. "
Biglang tumawa si Baby Xaviee na para bang kinikiliti. Natutuwa ako dahil alam kong nandyan lang si Xavier sa tabi namin na laging gumagabay palagi.
Nagpaalam na kami kay Xavier. Ngunit may bigla akong napansin. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ang pamilyar na mukha at alam kong siya iyon, hindi ito kalayuan, klarong-klaro ko ang kanyang mukha na si Xavier talaga ang nakita ko.
" Xavier. " Akmang pupunta na ako sa kinaroroonan niya ng biglang tumunog ang aking cellphone. Si Mommy Shaila.
" Hello Iha. " Malambing na boses.
" Yes po Mommy." Sagot ko habang ang aking mga mata ay hinahanap si Xavier. Bigla itong nawala, kahit saan ako magpunta lagi ko siyang nakikita.
" I just want to asked if are you coming today. I really miss my apo na kasi eh. " She said.
" Yes mommy, actually otw na po kami diyan. "
" Dumalaw na ba kayo kay Xavier ngayon? " Tanong niya.
" Opo. "
" Mabuti pa kayo ni baby nakadalaw na, e kami dadalaw pa. "
" Ho?" Nagulat kong sagot. " Akala ko po nakadalaw na po kayo dahil may nagsindi na po ng kandila at may bulaklak na po ang nandito. " Sabi ko.
" Talaga Iha? E sino daw ang dumalaw?" Tanong niya.
" Hindi ko po alam. Baka si Jean po. "
" Ay oo nga naman. Sige iha, I'll talk to you later. I'm so excited to see you and baby Xaviee. " Masayang sambit nito sa kabilang telepono.
" Sige ho. Bye po. " Then I hanged up.
Inilibot ko sa huling sandali ang aking paningin, nagba-bakasakaling makita muli si Xavier. Baka siguro ay sobra ko lang siyang namiss kaya kung saan-saan ko lang siya nakikita. Nakakapagtaka lang dahil kahit saan ako magpunta lagi ko siyang nakikita at bigla nalang itong mawawala sa paningin ko. Sobrang wierd lang.
Mansion
Binuksan ng mga guard ang gate. Sobrang laki talaga ng bahay nila, kahit lagi kaming dumadalaw ni baby dito, hindi ko parin maiwasang mamangha sa sobrang laki at ganda ng mga disenyo nito.
" Welcome home! Baby Xaviee. Lola really miss you so much." Agad na salubong sa amin ni Mommy Shaila. Puno ng halik si Xaviee sa lola niya, halatang nakikiliti si baby dahil tawa ito ng tawa. " Have a set Iha. "
" Salamat po. " Sobrang lambot ng upuan ang sarap sa pwet. Haha
" Anong oras po kayo dadalaw kay Xavier. " Tanong ko.
" Mamaya Iha, pag-dating ni Luca. " Masaya nitong sagot.
Iba ang ngiti ngayon ni Mommy. Sobrang saya nya ng banggitin ang pangalan na iyon. Pero sino si Luca?
" Po? "
" Hindi ko pala nasabi sa iyo na may kapatid si Xavier. "
" Kapatid po? " Naguguluhan kong tanong. Bakit hindi man lang nababanggit ni Xavier sa akin dati na may kapatid siya at mismo si Mommy Shaila.
" Yes Iha, His name is Luca. Ang bunsong kapatid ni Xavier. Miss ko na ang anak kong iyon. Almost 6 years na siyang hindi umuuwi dito, kaya excited na akong makita siya. "
Tumango ako. Napapaisip parin ako sa sinabi niya. 6 years.. So noong nawala si Xavier hindi man lang ito naka-uwi para makita ang kapatid niya sa huling hantungan.
" Sayang naman ho, hindi nya nakita ang kapatid niya sa huling sandali. "
" Pinaki-usapan ko siya na umuwi para makita ang kapatid niya, ngunit ayaw niya, ayaw niyang makita na wala na ang kapatid niya." Malungkot na saad niya. " Alam mo Iha, sobrang close ng magkapatid na iyon. Kaya sobrang nalulungkot si luca ng malaman ang nangyari sa kapatid nya. Kahit pumunta si Luca sa ibang bansa ay lagi paring dinadalaw ni Xavier si Luca sa isang taon tatlong beses niya itong dinadalaw makita lang ang kapatid niya. " Mapait na napangiti si Mommy. " I really miss my boys. " Dagdag pa nito.
I hold her hand. " Don't be sad Mom, andyan pa naman si baby Xaviee to make you smile. " I smile at her.
" Right. " She said. " You're really like your dad. " She said while looking Xaviee.
Lahat kami nasasaktan simula ng mawala si Xavier. Lalong-lalo na si Mommy na namimiss niya ang dalawa niyang anak. And I hope Mommy shaila would be okay kapag dumating ang isa niyang anak na matagal niyang hinihintay. I want to make her happy.
" By the way Iha, Can you do me a favor? " She said.
" Yes po. Ano po yun? "
" Pwede dito muna kayo matulog ni baby. Gusto ko kasing katabi matulog ang apo ko.. please iha. " I smiled.
" Sige po. "
" Thank you Iha. " Tuwang-tuwa na sabi ni mommy. " Come here baby. Let's play. "
" My, akyat muna ako sa kwarto." Sabi ko.
" Sure Iha. Sa kaliwa ang kwarto mo. Inayos ko nayan kahapon lang. " Aniya.
Natutuwa naman ako. Pinag-planuhan talaga ni mommy ang pag-dating namin. Pagka-pasok ko sa kwarto, namangha kaagad ako sa sobrang laki. Parang condo ko na ito eh. Nilagay ko ang maliit na bag na may laman na mga damit ni Baby, hindi ko naman inaasahan na dito kami matutulog kaya hindi na ako nagdala ng damit ko.
Sa tingin ko ay kay Xavier itong kwarto na ito dahil may picture niya ang nakalagay. Kinuha ko ito at napangiti.
" I miss you so bad. " Then I kissed him.
Nilibot ko ang mga paa ko sa kwarto, namangha ako sa sobrang dami ng libro. This must be a study room, may malaki pang picture ni Xavier ang Nakalagay, as in sobrang laki. Mag-eenjoy akong magbasa ng mga libro lalo na't nakikita ko palagi ang malaking imahe ni Xavier.
Kumuha ako ng libro. Ito ay libro ni Shakespeare. Hindi ko akalaing mahilig magbasa si Xavier we really have a similar taste. One of the reason why I fall for him.
" It's better to have loved and lost than never to have loved at all." - SHAKESPEARE