Lumabas ako ng naka-two piece. Kami lang naman ang nandito tsaka excited na akong maligo sa pool. Napansin kung maingay sa bandang likuran, siguro ay nagkakasiyahan sila doon. Pumunta muna ako sa CR para tignan ang sarili ko kung bagay ba ang suot ko ngayon. Ok naman siya, tsaka natutuwa ako dahil first time kung suotin ang bigay ni Mommy.
"Hi." Biglang may sumulpot na isang babae. May katangkaran ito ng kaunti sa akin at makinis ang mga balat, maganda siya. Nakita ko sa salamin na ningitian niya ako. Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya.
"Ako nga pala si Mikaela. " Sabi nya sabay abot ng kamay. "Ikaw anong pangalan mo?" Tanong nya.
" Sammer. " I said at nakipag-shake hands.
"Ahh, ikaw pala yung laging binabanggit sa akin ni Dreb." Sabi nya pa. " Kamusta kana?"
Magkakilala ba kami? Parang hindi naman..
" Ok lang naman." Alanganin kung sagot. "Ahm, magkakilala ba tayo?" Medyo awkward kung tanong.
Ngumiti ito at mabilis na umiling. "Hindi. Pero lagi ka kasing kinikwento sa akin ni Dreb. Siya nga pala, ako nga pala ang girlfriend ni Dreb. " Nakangiti nyang sabi. " Since close kayong dalawa, gusto tin kitang maging kaibigan kung ok lang sayo. "
I know that I have a trust issues. Pero wala namang masama kung makikipag-kaibigan ako sa kanya. At isa pa mukha namang mabait itong si Mikaela.
Ngumiti ako. "Sure."
Sobrang saya niya ng sinabi ko iyon. Pagkatapos nun ay nakiusap siya na hintayin ko muna siyang magbihis para sabay na kaming pupunta sa kanila. First time tin daw nyang pumunta dito sa resort kaya excited rin siya. Pagkatapos nyang magbihis ay tumungo na kami kong saan sila nagtatambay. Napansin ko rin na nandoon di Luca nakikipag-kasiyahan. Nang makalapit kami biglang kumunot ang noo ko kung sino ang nakita ko dito.
"B-boss?" Gulat kong sabi.
"Hey Sam." Nakangiti nyang sabi sabay lapit sa akin.
"A-anong ginagawa nyo po dito?" Hindi makapaniwala kung tanong.
"Ininvite ako ni Dreb dito. Happy to see me?" Ngiting-ngiting sabi nito.
Naguguluhan parin ako kung bakit nandito ang boss namin. Kung ininvite siya ni Dreb, ibig sabihin magkakilala sila. Ngumiti nalang ako at tumango bilang sagot. Biglang lumapit sa amin ni Dreb. Napansin ko na nanlilisik ang mga mata ni Luca habang nakatingin sa amin.
"Magkakilala kayo?" Tanong naman ni Dreb.
"Yes bro, she's my employee."sagot naman ni Boss Xander.
"Kamusta naman ang trabaho ni Sammer dun?" Tanong nya ulit habang nakangiti
"She's good." Nakangiting sagot nito. "She's good at everything." Dagdag pa nito.
"Hin-"
"Excuse us." Nagulat ako ng bigla nalang akong hinila ni Luca at parang kakaladkarin na nya ako papalayo nila Boss at Dreb. Todo piglas ako ngunit sadyang malakas lang talaga siya kumpara sa akin. What's wrong with him?
"Luca ano ba! Nasasaktan ako!" Sabi ko.
Binitawan naman nya kaagad ng makarating kami sa kwarto. Para siyang hindi mapakali at naiinis na tinignan ako na para bang ang laki-laki talaga ng kasalanan ko sa kanya.
"Alam mo ba na pupunta ang boss mo dito?" Medyo may galit sa tono ng boses nya.
"Hindi!"giit ko.
"At naka-suot ka pa talaga ng naka-ganyan!" Galit nyang tugon nya at tinignan ako na para bang hindi kaganda-ganda ang sinuot kong two piece.
"What's wrong with my outfit?! Bawal na ba talaga akong magsuot ng nakaganito? Kanina mo pa kasi ako dinidiktahan kong anong susuotin ko!" Naiinis kong sabi.
"Yes! There's something wrong with your outfit! It's too sexy you know, kanina ko pa sinasabi yan. And for God sake! Nakipag-usap ka pa talaga sa boss mo ng naka-ganyan!" And now, I know that he is mad.
Ano namang kinalaman ng boss ko sa suot kung two piece!. Daig pa si Mommy magalit at maka sermon sa akin ah.
"Bakit napasok si boss sa usapan?"
"I hate the way he look at you. Iba ang mga tingin nya sayo and I hate it!" He look so pissed at napahilamos siya sa kanyang mukha.
"Anong klaseng tingin ba? Wala naman akong napansin na kakaibang tingin ah." Nagtataka kung tanong.
"Damn! I know he likes you! Don't you get it!" Parang sasabog siya ng sinabi iyon. Eh bakit ba galit na galit toh?
" Luh?! Bakit naman magkakagusto si Boss sa akin tsaka may anak na ako. " Natatawa kong sabi.
"Hindi mo kasi ako maintindihan kasi hindi ka lalaki. Alam ko ang mga titig ng mga lalaki kapag may gusto silang babae. Alam na alam ko yun." Parang sure na sure siya sa sinabi nya.
"Kasi gawain mo rin kaya alam na alam mo?" Sabi ko.
Nag-iwas siya ng tingin ng sabihin ko iyon. " Y-yes" nauutal niyang sabi ngunit mahina iyon.
E kung ganon nga ano naman kung magkagusto si Boss sa akin. Tsaka single naman ako, single rin si Boss at isa pa sobrang gwapo pa nito. Bakit ganito siya maka-react? Don't tell me.. No way!
"Nagseselos ka ba?!" Diretcho kung tanong sa kanya.
Napansin kong umiwas na naman siya ng tingin sa akin ng sabihin iyon. Nakita ko ang pamumula ng kanyang tenga at pisngi. His blushing...
"Answer me Luca. Are you jealous?" Tanong ko ulit sa kanya.
Tinignan nya ako muli sa mata.
"Yes I am. Now, may magagawa ka ba sa pagseselos ko?" Pag-amin nya.
Ramdam ko ang pag-bilis ng puso ko ng marinig ang mga salitang yun. Ewan ko ba pero bigla akong nakaramdam ng saya ng inamin nya na nagseselos nga siya.
"Bakit ka nagseselos?" Nakangiti kong tanong. Nanunudyo ang mga boses ko ng sabihin iyon. Hindi siya sumagot. " Sa pagkaka-alam ko yung mga taong nag-seselos ay may gusto sila nito. " Sabi ko pa.
"Gusto kita." Walang pag-alinlangang sagot.
Nanlaki ang mga mata ko at hindi makapaniwala sa narinig ko.
"G-gusto mo ako?" Nauutal kong tanong.
" Hindi lang gusto, Mahal na ata kita. "Seryoso nyang sagot.
Hindi ko alam kong ano ang isasagot sa mga sinabi nya. Hindi ko talaga lubos maisip kong bakit nya sinabi ang mga iyon. Hindi magandang biro sa totoo lang.
"You're kidding right." Natatawa kung sabi, ngunit may dalang kaba ang nararamdaman ko ngayon.
"I'm not. " Agad niyang sagot.
"Alam kong nag-jo-"
"I'm not!" Naiinis nyang sabi. "Once I said it, I mean it. " He really look so serious.
"Ang bilis naman ata." Wala sa sarili kong sabi. Hindi talaga ako makapaniwala sa narinig ko.
"For many years loving you, mabilis ba yun." Sagot nya sa sinabi ko.
Tinignan ko siya na may pagtataka. For many years of loving me? Anong ibig nyang sabihin? Tsaka Halos dalawang buwan palang kaming magkakilala. Hindi ko siya lubusang maintindihan sa mga sinasabi nya. Paano nangyari na minahal nya ako ng matagal na? Panno?..
_______
Paano kaya nangyari yun? Gusto nyo bang malaman kong ano ang ibig-sabihin ni Luca? Comment below and give a one vote for the next Up😊 ENJOY READING ❣️
YOU ARE READING
Next To Him ( BOOK 2: LUCKY ONE )
RomanceIt's been 2 years since I meet Xavier.. I really miss him a lot. Kahit saan ako magpunta lagi ko siyang naiisip at nakikita. The fact that my hallucination kills me. Yes, mahirap parin ang pagkawala niya.. But maybe I should move on and move forward...