Sobrang aga kong naligo para ako mismo ang maka-pagpaligo ni Baby Xaviee, dahil si Yaya ang nagluto ng agahan namin. Kailangan ko kasing pumunta ng maaga ngayon sa trabaho dahil biglang naka-problema sa opisina. Magkatabi lang ang kwarto namin ni Baby Xaviee at ang katabi rin na kwarto ni Baby, kwarto naman ni Luca. Napansin ko itong naka-bukas lang ng maliit, hindi ko maiwasang sumilip. Mahimbing itong natutulog habang yakap-yakap ang isang malaking unan. Habang nakikita ko ang kanyang mukha, hindi ko maiwasang isipin na siya si Xavier kahit anong pilit ko sa sarili ko, nakikita at nakikita ko talaga sa kanya ang mahal ko. Isinarado ko ang pintu-an at pumasok sa kwarto ni baby Xaviee.
" Hey, sweetheart. Goodmorning. " I kissed him. " Papaliguan na kita ha, kasi maagang papasok ngayon si mommy sa work. "
Natutuwa akong tignan ang anak ko na halatang inaantok pa at giniginaw dahil sa malamig pa ang tubig. Kahit palagi akong busy sa trabaho hindi ko parin nakakalimutan ang responsibilidad ko sa anak ko bilang isang magulang, gusto ko na ako lagi ang nagpapaligo sa kanya at nagpapakain. Dahil sa ganong paraan man lang maiparamdam ko sa kanya na may isang ina na handa siyang alagaan kahit sobrang busy ko sa trabaho. Pagkatapos kong paliguan si baby, bumaba na kami sa baba para sabay na rin kaming kumain.
" Ya, sabayan nyo na po kaming kumain. " Sabi ko kay yaya.
" Naku, wag na po ma'am nakakahiya po sa inyo. " Nahihiyang sabi ni yaya.
" Sige na ya. Sabay na tayong kumain. " Pamimilit ko.
Dahan-dahan na umupo si yaya. " Hindi pa po kumakain si Sir Luca ma'am, baka magalit iyon dahil akong katulong naunang kumain keysa sa kanya na amo ko. " Bulong niya.
" Ya, ako ang bumili ng pagkain nyan nung isang araw kaya ako ang masusunod kong sino ang mauunang kumain o hindi. Hayaan mo na siya, kumain na tayo. " Paliwanag ko sa kanya. Walang ibang magawa si Yaya kundi sumunod rin.
Napatingin ako sa relo. Sh*t 6:30 na. " Yaya, ikaw muna ang magpapakain kay Baby ha, magbibihis lang ako. " Sabi ko.
" Sige po ma'am"
Dali-dali akong umakyat sa taas para magbihis. 7:30 pa naman ang pasok ko ngayon. Haist, Hinanap ko kaagad ang pencil skirt ko at fitted longsleeve. Hindi naman ito masyadong formal na outfit dahil pwede lang naman mag casual sa trabaho namin.
" Asan na yun?". Sabi ko sabay halungkat sa drawer ng mga damit ko. Bitbit ko lang yun kanina e. Hinanap ko sa ilalim ng kama wala rin, at bakit naman mapupunta yun sa ilalim ng kama? Ang tanga-tanga ko talaga.
Nagulat ako ng may biglang pumasok sa kwarto kaya napa-upo ako bigla sa sahig. Iniluwa doon si Luca na halatang bago pang gising, magulo pa ang buhok nito at kinukusot pa ang mga mata. Napansin ko na may hawak-hawak siyang damit. OMaayyy! Lumaki ang mata ko ng makita ang damit ko na bitbit niya. Paano napunta yun sa kanya? Ano yun? Kusang nag-lakad ang mga damit ko papunta sa kanya?
"D-dami-"
Hindi pa ako nakatapos ng pagsasalita ng magsalita rin siya.
" I know. " Diritsong sabi nito.
" Bakit nasa sayo yan? " Turo ko sa damit.
" I don't know. " Tipid niyang sagot.
" Anong hindi mo alam? Kanina ko pa yan hinahanap. Siguro kinuha mo yan no?" Sabi ko. Hindi ko naman intensyon na mambintang, at bakit sa nasa kanya ang mga damit ko kong di nya kinuha. Diba?
" Seriously? Pagbibintangan mo talaga ako na kinuha ko tong damit mo?. " Nakakunot ang noo niya. " Are you dumb or what? Hindi ko nga alam kong bakit nasa labas ng pinto ng kwarto yang damit mo. "
Napatanga ako sa sinabi niya. Nasapo ko nalang ang noo ko ng maalala na bago ako pumasok sa room ni baby Xavie ay dala-dala ko pala iyong damit na yun at hindi namalayan na nahulog ko pala doon mismo sa harap ng kwarto niya. Bigla niya itong hinagis sa akin at tumama ito mismo sa aking mukha. Ang rude talaga ng lalaking to, hindi man lang ibigay ng maayos.
" Kailangan pa talagang ihagis? Di man lang ibigay ng maayos!. " Napipikon kong sagot.
" Simple words you can't say it? Your so unbelievable woman!" He smile sarcastic.
" Alam m-" tatayo na sana ako ng mapansin ko na tanging bra at panty lang pala ang suot ko. Sh*t! Nakakahiya na talaga. Hindi itong unang beses na nakita niya akong nakahubad. Tinakpan ko ang aking katawan sa damit na hinagis niya.
" Alam mo, bigla-bigla ka nalang pumapasok. Hindi ba uso ang kumatok ng kwarto sa Ibang bansa? " Inis kong sabi.
" The door is open, and I have rights to enter this room whenever I want. " He crossed his arms at sumandal sa pintuan. " At kong ayaw mong may ibang makapasok sa kwarto mo, e locked mo yung pinto, kesa maninisi ka ng tao. " Naglakad siya patungong CR at hinubad ang pantaas na damit.
May point rin naman siya, kaso kong nag-iisip rin siya hindi dapat siya basta-bastang pumapasok. Babae ako at kailangan ko ng privacy. Wag siyang mag-alala e la-locked ko na talaga ang pintuan para di na siya makapasok pa. Bahala na siya kong saan siya maliligo. Tsaka pwede naman nya iyong ipa-ayos.
Nang bumaba ako tapos ng kumain sina baby Xavie Yaya. Aliw na aliw si baby Xaviee sa pinapanood niyang Cartoons na Peppa Pig.
" Come here baby. " I kiss Xaviee. " Aalis mo na si Mommy ha. Mag-wowork muna si mommy to buy you a milk. Behave lang kay yaya. " Sabi ko kay baby. He just nodded and kiss me back. Isang taon pa itong anak ko ngunit sobrang talino na, naiintindihan niya ang mga sinasabi ko mana sa Daddy niya.
" Yaya, where's my breakfast?" Sabi ni Luca habang bumaba sa hagdan at katatapos lang itong maligo. Ginugulo pa nito ang mga basang buhok.
" Nasa lamesa na po Sir. " Sagot naman ni Yaya.
" D-dadidi. " Biglang sabi ni Xaviee, habang tuwang-tuwa na nakita si Luca. Agad ko itong tinakpan ang bibig ni baby. At si Luca naman na ubod ng pag-kasungit wala man lang itong emosyon na tinignan si Xaviee. I rolled my eyes.
" Baby, he's not your daddy, that's your tito Luca. Daddy is in heaven na. Don't say that again okay?" Kausap ko kay baby habang nakikinig sa mga sinasabi ko.
" Yesh, mimi. " He smiled.
" Good. " I brush his hair.
Nag-paalam na ako kay Yaya at Xaviee. Tamang-tama nakarating ako sa office 7:31 pa. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang anak ko, hindi kasi yun sanay na iba ang mag-aalaga sa kanya. Si Mommy kasi ang lagi kong iniiwan kay baby kapag trabaho ako. Pero sana lang ay magiging okay ang lahat.
YOU ARE READING
Next To Him ( BOOK 2: LUCKY ONE )
Storie d'amoreIt's been 2 years since I meet Xavier.. I really miss him a lot. Kahit saan ako magpunta lagi ko siyang naiisip at nakikita. The fact that my hallucination kills me. Yes, mahirap parin ang pagkawala niya.. But maybe I should move on and move forward...