CHAPTER 37

1.6K 52 2
                                    


"Ok na ba yung pakiramdam mo?" tanong ni Drugo sa kambal nyang si Rhianna/Anna.

"Ok na ako , kuya. Daplis lang naman." sagot ni Rhianna.

"Si Ly nga pala , maayos na ba yung lagay nya?" tanong ni Rhianna.

"Di pa natatapos yung operation  nya." malungkot na sagot ni Drugo.

"Tara puntahan na natin sya. Alam kung magiging mabuti din yung kalagayan nya." nakangiting wika ni Rhianna.

Tumango naman si Drugo at inakbayan nito si Rhianna saka sila nag lakad papunta sa O.R

"Diba gusto mong makilala yung totoo nating ama?" tanong ni Drugo kay Rhianna habang nag lalakad.

"Oo naman , gustong gusto." sagot ni Rhianna.

"Drugo." tawag sa kaniya ng daddy nila kaya lumapit sila dito.

"Ok ka lang ba?  wala ka bang tama ng baril o sugat man lang?" Nag aalalang tanong ng mommy nila.

"I'm okay , mom." sagot ni Drugo.

"Mom?" takang tanong ni Rhianna kay Drugo.

"By the way she's mom and dad of Devilishly." wika ni Drugo.

"Ah he he." awkward na wika ni Rhianna sabay kamot sa batuk.

"Hello po Tito ,Tita I'm Rhianna. Friend of Ly." wika ni Rhianna.

Nagulat naman ito ng niyakap sya ng dalawa.

"Call me dad."

"And call mom."

Wika ng dalawa kay Rhianna.

"Eh?" mahinang wika nya saka itinulak tulak si Drugo.


Akmang mag sasalita ulit si Rhianna ng bumukas ang  pinto ng O.R at lumabas si Doctora Chavez.

"Good evening Mr. and Mrs. Smith." bati ni Doctora Chavez.

"Evening too , how's my daugther is she okay?" alalang tanong ng mommy ni Devilishly.

"Naging critical ang condition ni Ms. Ly dahil sa maraming bala ng baril yung nakuha namin sa katawan nya at marami na ding dugo yung nawala sa kaniya. Pero huwag na ho kayong mag alala dahil okay na sya at ililipat nalang ho namin si Ms. Ly sa private room nya  , excuse me." wika ni Doctora Chavez saka tumango naman sila kaya pumasok ulit sa O.R si Doctora Chavez.

"Oh my gosh    , thanks God."






CALYX's P.O.V

Nandito na kami ngayon sa private room ni Bata.
Saka kaming dangerous section nalang yung nandito , dahil pinauwi na ni King Zeus yung mga magulang ni Bata kanina.
At ganon din sina Drugo  , Rhianna at Devileon. Pinauwi din sila ni King , dahil kaya nya naman dw na mag bantay dito.

"Oy King di ka pa ba matutulog?" tanong ko.

11pm na kasi at di pa Rin nagigising si Bata , at saka tapos na din kaming kumain.

"Tsk! matulog ka na nga lang dyan. Andami mo pang satsat." wika nya saka umirap.

"Alam kung gusto mo na ring matulog King. Di naman aalis yang katawan dyan ni Bata kaya mag pahinga kana din." wika ko sa kaniya.

"Tatahimik ka o ibabalibag kita?" malamig na tanong nya.

"Ah hehe ako pala yung gustong matulog King , sige matulog na ako dito. Huwag kang matutulog ah ,bantayan mong mabuti yang batang yan , baka kasi kunin ng iba eh." nag mamadaling wika ko saka humiga sa sofa at pumikit.

Ansakit kayang ibalibag.

"Tsk!"

_______________________
Thanks for reading

The YOUNGEST TEACHER Of HEAVEN ACADEMY-COMPLETEDWhere stories live. Discover now