CHAPTER 34

1.6K 46 1
                                    

CALYX's P.O.V

"Balita ko nasa hospital daw yung kambal ni bata." Pag kukwento ko sa kay Aron.

Nag dadrive kasi ito dahil nga hinahanap namin yung batang teacher namin.

"Bakit?" Tanong nya habang nasa daan yung attention nya.

"Di ko alam." Sagot ko sabay kibit balikat.

*pok*

"A-Aray naman!"  Inis na wika ko , binatukan nya kasi ako.

King*na lang!

"Mag kukwento ka man lang , hindi pa sapat!" Inis na wika nya saka nya ako inirapan kaya binatukan ko ito.

"F*CK YOU!"

"Di tayo talo!" Nakangising wika ko kaya napairap ito.

Kasalanan ko bang hindi rin sapat yung ibinalita sakin ni Bansa?!

King*na lang talaga , ang sakit kaya nong pambabatuk nya sakin!



DEVILISHLY MAY's P.O.V

"Oh kumain na raw kayo sabi ni boss." Wika nong isang lalaki saka nya nilapag yung pagkain sa kaharap naming maliit na mesa.

"Sa tingin mo , makakakain kami nito?" Walang gana na tanong ko sa kaniya nang akmang lalabas na ito.

Tanga nito!

Lumapit naman ito sakin saka nya tinanggal yung kadina na nasa dalawang pulsuhan at paa ko. At ganon din ang ginawa nya kay ate Rhianna.

"Umalis dito si boss kaya wag kayong mag aksaya na tumakas." Wika nya saka lumabas.

"Wala bang lason to?" Tanong ko habang nakatingin sa pag kain na nasa harapan ko.

"Wala naman siguro." Wika  naman ni ate Rhianna.




Nang makatpos na kaming kumain ay napatingin ako sa kaniya.

"Maayos na ba ang pakiamdam mo?" Tanong ko.

Nilagnat kasi sya dahil sa mga pasa at sugat na natamo nya mula sa mga kalalakihang kumidnap samin.

Tumango naman sya. " Kailangan na nating makatakas dito. Mas malala pa yung mararasan natin dito , pag dumating sya." Mahinag wika nya.

"Pero paano? Ramdam kung maraming bantay sa labas." Wika ko. "At saka wala tayong armas , hindi ko narin alam kung nasan na yung eye glass ko." Hindi pang  karaniwang eye glass yung ginagamit ko , Dahil isa iyon sa mga ginawa ni twin bro.  Maaari nya akong matraked sa pamamagitan ng laptop at nong eye glass ko , pero hindi ko na sout yun ngayon. At isa pa maaari ko din makita yung mga imposmasyon ng isang tao pag sout ko iyon.

*bang*

*bang*

*bang*

Napapikit ako ng wala sa oras nang marinig ko ang tunog na iyon.

"Tara na." Wika ni ate Rhianna saka nya ako nilapitan.

"Aalis na tayo dito." Bulong nya saka nya ako hinawakan sa kamay ko.

Bigla namang bumukas yung pinto at pumasok yung dalawang lalaki na may hawak na baril.

Tumingin naman ako kay ate Rhianna saka kami nag sitanguan.
Sabay naming sinipa ni ate Rhianna yung nasa harapan namin na may hawak na baril. Tumilapon namn yung baril ng lalaking nasa harapan ko kaya agad kung sinipa yung alaga nya at nakayuko at napahawak ito sa alaga nya.
Saka ko ito tinulak sa pader at inumpog yung ulo nya kaya napa higa ito saka nawalan ng malay.

Napalingon naman ako kay ate Rhianna , napabagsak nya narin yung lalaking kalaban nya. Tumango naman sya sakin kaya tumango rin ako saka kinuha yung baril na tumalsik kanina mula sa mga lalaki na kalaban namin.

"Tara." Wika nya saka kami lumbas.

*bang*

"O-ouch!" Mahinang daing ko dahil sumakit yung isang binti ko kaya napaluhod ako.

"Ly!"

*bang*

*bang*

*bang*

Pag babaril ni ate Rhianna sa likod ko.

"Kaya mo pa bang mag lakad?" Nag alalang tanong nya.

Tumango lang ako saka tumayo. Humawak ako sa kamay nya at sabay kaming tumakbo.

Habang nag hahanap kami kung saan yung labasan ng building na ito ay patuloy parin yung mga putukan na naririnig ko at may mga  bangkay rin kaming nakikita na nakabulagta sa sahig.

"Nandoon yung labasan."  Turo nya sa isan malaking pinto na bukas na.

Napaluhod naman ako dahil mas sumakit yung isang binti ko na may tama ng baril.

"Kaya mo pa ba o bubuhatin na kita?" Tanong ni ate Rhianna.

"Kaya ko pa." Wika ko saka tiniis yung sakit na naramdaman at kumapit sa kamay nya saka tumayo.

"YUNG DALAWANG BABAE TUMATAKAS!" Sigaw nong isang lalaki.

*bang*

*bang*

Kaya agad naman kaming tumakbo ni ate Rhianna palabas upang iwasan at makatakas sa kanila.


____________________________
Thanks for reading

The YOUNGEST TEACHER Of HEAVEN ACADEMY-COMPLETEDWhere stories live. Discover now