***
Nixie's POV
•••
Ang yabang ng lalakeng 'yon! Ang hangin pa! Tss! Hindi naman kagwapuhan akala mo kung sinong gwapo!
Gwapo naman talaga siya, Nixie!
Ito namang utak ko, hindi pa makisama. No. Erase, erase. Hindi siya gwapo. Pangit siya! Panget!
No, Nixie. He's so handsome! Plus, he has a dimple in his left cheek. So cute!
Ano ba itong utak ko? Hindi na ba talaga makikisama 'to? Kung pwede ka lang talagang alisin, aalisin na kita eh. Bwisit!
"Oh, bakit ganyan mukha mo? Parang kagagaling mo lang na naman sa gulo." nagtatakang sabi Thea.
"Gulo agad? Hindi ba pwedeng bad trip lang?" tugon ko.
"Okay, okay. At sino naman 'yang taong nagpa-bad trip sayo?" tanong naman nitong si Dap.
Tinuro ko kung sino at nanlaki ang mga mata nila nang makita yung mukha nung lalake. Kumunot ang noo ko dahil nagtataka ako kung bakit ganon yung reaksyon nila.
"Girls, bakit ganyan kayo makatingin sa kanya? Ano bang meron sa lalakeng 'yan?" tanong ko sa kanila.
Kumurap-kurap ang mga mata nila.
"Hindi mo ba siya nakikilala?" tanong ni Daphnie.
Umiling ako. "Hindi. Ni hindi ko nga alam yung pangalan niya eh. Tsaka magtatanong ba ako kung kilala ko siya?" sagot ko.
"Eh sino ba talaga 'yan?" tanong ko.
"Ayon sa mga sikat na chismosa nating mga kaklase, meron daw transferee sa school natin. Mayaman ang pinanggalingan at higit sa lahat, gwapo raw." sagot niya.
"O tapos?" tanong ko ulit.
"Wait lang ah. Titignan ko lang yung picture sa phone ko kung magkamukha nga ba sila o sadyang namamalik-mata lang ako." aniya.
Ilang sandali pa ang lumipas nang muling itago ni Daphnie ang kanyang cellphone at muling ibinalik ang tingin sa akin.
"Siya nga 'yon. Siya yung sinasabi nilang nagbabalak na mag-transfer sa school natin. Ewan ko lang kung magiging transferee ba siya ng school o hindi na." paliwanag ni Dap-Dap.
"Tsk! Pakialam ko naman kung magta-transfer siya sa school natin. Tara na nga lang sa cottage." aya ko.
Mag-uumpisa na sana akong maglakad nang may napansin akong kakaiba dito sa isang kaibigan namin.
Napatingin ako kay Thea. Kanina pa kasi siya nakatulala sa lalakeng kausap ko kanina. Nanliliit ang mga mata at para bang kinikilatis niyang mabuti yung lalake.
"Vince?.."
Narinig ko ang salitang iyon mula sa bibig niya. Hinintay ko pang magsalita ulit si Thea pero wala na itong ibang idinugtong kundi ang titigan muli ang lalakeng kausap ko lang kanina.
"Huh?" tanong ko sa kanya.
Napaigtad siya saka ako tinignan. "W--wala. Namalik-mata lang siguro ako. Tara na?" sagot niya saka nauna na sa akin maglakad.
Kahit na takang-taka ako sa ikinikilos niya ngayon, sumunod na lang ako sa kanya. Nasa likuran ko naman si Daphnie.
⭐⭐⭐
♥️♥️♥️
Thea's POV
•••
Namamalik-mata lang talaga siguro ako. Namimiss ko lang siguro yung pinsan ko kaya napagkakamalan kong siya yung kaninang lalake. Kamukha niya kasi eh. Kahawig na kahawig niya.
Kakauwi lang namin dito sa hotel. Maghapon kasi kaming namasyal dito sa beach. Pero hindi pa din kami napapagod. Kaya tuloy ang pamamasyal.
Maganda na mamasyal ngayon. Palubog na ang araw, padilim na rin ng padilim ang paligid ng dagat. Unti-unti naman ng lumiliwanag ang paligid namin nang dahil sa mga ilaw.
Umunti na ang mga tao ngayon. Kanina kasi, marami-rami. Halos walang bakanteng cottages.
Pumunta ako ng balcony. Balak kong mag tunganga doon. Malamig rin at masarap yung hangin doon eh. Masarap tumambay.
I'm in the middle of observing my surrounding when someone caught my attention. He's wearing a white long sleeve and a black short. He's standing in front of our mini hotel.
Napatulala na naman ako. Tinitigan ko ng mabuti yung lalake. He looks like my cousin, Vince Alejo Valdedara.
No. He's not here. That is impossible... Namamalik-mata na naman ako. Sh*t!
Parang may sariling utak ang mga paa ko. Namalayan ko na lang ang sarili ko na pababa na ng hagdan palabas mg hotel.
Nakatayo na ako ngayon sa tapat ng pintuan ng mini hotel sa bandang likuran niya. Nagulat ako nang bigla siyang humarap sa kinatatayuan ko. Parang nadikit ang sarili kong mga paa sa kinatatayuan ko ngayon nang makita ng malapitan ang mukha nitong kaharap ko.
"Vince?.." gulat na banggit ko sa pangalan ng kaharap ko ngayon.
"Thea..." rinig ko na banggit niya sa pangalan ko.
Kaagad kong niyakap ang pinsan ko. Gano'n rin naman ang pinsan ko, niyakap niya rin ako. Bumitiw ako kaagad kasi baka pagkamalang mag jowa kami kahit na hindi naman. HAHAHAHA!
Parang magkapatid na ang turingan naming dalawa ni Vince. May kagaguhan rin naman siyang pinaggagagawa sa buhay niya pero hinahayaan ko na lang.
Ayaw ko siyang pakialaman sa mga gusto niya sa buhay. Basta ako, support na lang. Pero kapag sumusobra na siya, pagsasabihan ko naman siya na may mga mali na ang mga ikinikilos niya.
Inaya ko siyang umupo sa isang bench malapit sa hotel kung saan kami nina Nixie naka stay-in. May mga gusto lang naman akong itanong sa pinsan ko na matagal ko ng hindi nakikita.
"Ahm... Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makaupo na kami sa bench.
"Nagre-relax? Ikaw, anong ginagawa mo dito?"
"Same sayo, mag-relax. Actually, hindi lang ako ang nandito. Kasama ko kasi yung dalawang bestfriends ko." sagot ko sa itinanong niya.
"Ahh~"
"Ikaw ba, mag-isa mo lang ba pumunta rito?" baling ko sa kanya ng tanong.
"Hindi. Same lang tayo, kasama ko ang mga kaibigan kong pumunta dito. Alam rin naman ni Tita na nandito kami. Nagpaalam kasi ako na kung pwede, dito muna kami sa beach niyo mag-stay. Pumayag naman siya kaya heto kami, magpapakasaya dito." nakangiti niyang sagot saka ibinaling ang atensyon sa dagat.
"What? Alam ni Mommy na umuwi na kayo? Bakit hindi niya sinabi sakin?" nag-pout ako at umastang parang nagtatampo na siyang ikinatawa niya
"Maybe.. she want to surprise you? HAHAHAHA!.." tawa pa rin siya nang tawa kaya ako nahawa na din. Natawa na lang din ako.
Hindi pa rin siya nagbabago. Palatawa pa rin siya hanggang ngayon. Mabait pa rin siya sa akin. Pero, mas nadagdagan ang kagwapuhan niya ngayon kaysa noong huli kaming nagkita.
Kung hindi ko nga lang siya pinsan, matagal na akong nagka-crush sa kanya eh. Kaya lang, hindi ako ang mapalad na makakatuluyan niya. Pinsan niya ako na itinuturing ng parang kapatid. Supporter na lang niya ako. Hay...
BINABASA MO ANG
LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]
Teen Fiction[UNEDITED] BESTFRIENDS SERIES #1 Mananatili na lang ba'ng nagtatago ng nararamdaman kung pwede naman kasing isigaw na lang? Highest rank: #18 - vale (July 21, 2021) #71 - taglish (September 10, 2021) #382 - highschool (October 13, 2021) #635 - short...