21st

70 16 2
                                    

***

Daphnie's POV

•••

Nandito na ako sa bahay. Kakauwi ko lang actually. Nag-overtime kasi yung bwisit na teacher namin. Kainis!

Inihiga ko ang sarili ko sa kama at tumingin sa kisame. Ilang saglit pa ang nakalipas, may biglang kumatok ng tatlong beses sa kwarto ko.

"Anak? Si Mommy 'to."

Si Mommy pala.

"Wait lang po, Mom. Bubuksan ko lang po yung pinto." tugon ko.

"Bakit po?" bungad kong tanong.

"Alam mo ba kung nasaan si Nixie?" tanong niya.

"Nandoon po sa bahay nila." sagot ko.

"Pumasok ba siya kanina? Napadaan kasi ako kanina sa school niyo pero hindi ko siya nakita." hala! Sasabihin ko ba?

"Ahmm... Mom?" kinakabahan kong sabi.

"Hmm?"

"Nagkaroon po kasi ng lagnat si Nixie kaya hindi nakapasok"

"Ano?! Alam ba 'to ng Mommy niya?"

Sabi ko na nga ba't mag-aalala siya ng husto eh. Ganyan ka-close ang Mommy at ang bestfriend ko.

"Iyon po ang hindi ko alam, Mom. Bilin po kasi ni Nixie na huwag nang ipaalam sa Mommy niya na may sakit siya. Ayaw niya raw pong magambala sa pagtatrabaho ang mga magulang niya. Huwag na po kayong mag-alala, Mommy. Nandoon naman po si Vince na mag-aalaga kay Niks." teka... parang may nasabi ako..

Saka ko lang napansin na meron nang kumunot ang noo ng Mommy ko. Kaya napatakip ako ng bibig.

"Huh? At sinong Vince naman 'yon? Boyfriend ba siya ni Nixie? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi niyo ako in-inform? Ang daya niyo naman." ito talagang Mommy ko feeling bestfriend namin.

"Mom, hindi niya po boyfriend si Vince. Pinsan po siya ni Thea na may gusto kay Nixie." paliwanag ko.

"Ano?!? Eh bakit pinabayaan niyong pumunta doon yung Vince na 'yon. Hindi niyo alam kung baka ano ng gawin niyon kay Nixie." nag-aalalang sabi ni Mommy.

Lumapit ako kay Mommy at pinaupo siya sa gilid ng kama ko. Hinagod ko yung likod niya. Masyado kasing maalalahanin ang Mommy ko.

"Mommy, hindi po ganoong tao si Vince. Mabait po 'yon. Ano ba naman kayo? Parang hindi niyo kilala si Nixie. Sa sobrang protectice sa sarili niya, malapit na siyang makapatay ng tao." sabi ko sa Mommy ko.

Naalala ko kasi noong minsang nagawi kami sa school canteen tapos may tumisod na lalake sa kanya. Alam niyo ba kung akong ginawa niya?

Sinampal niya lang naman yung lalakeng estudyante sabay suntok sa mukha. Nabungalan pa nga yung estudyanteng lalake. At hindi pa doon natatapos ang laban nila. Saktong susuntukin siya nung lalake nang biglang lumihis si Nixie at punta saside. Hinila ang nakaambang na kamao at sinipa ang siko ng lalakeng estudyante. Napakalupit noh?

Babawi pa sana yung lalake nang biglang dumating ang principal namin. Tinanong kung anong nangyari, sinabi naman ng mga kasama nung estudyanteng nabugbog ni Nixie. Nagsinungaling ba naman kaya ang napasama ay yung tinisod.

Sinamahan namin yung kaibigan namin sa Principal's office. Habang kinakausap yung kaibigan namin, may biglang kumatok sa pintuan kaya nag-volunteer na akong buksan iyon.

"Sir? Ako po, nasa akin po at ako ang may hawak ng ebidensiya kung ano ang totoong nangyari kanina sa school canteen."

Kilala niyo ba kung sino siya? Siya lang naman ang ngayo'y naghahabol kay Nixie. Siya si Lawrence. Siya ang tumulong kay Nixie kaya imbis na yung kaibigan namin ang mapapatalsik sa school, yung nambully na estudyanteng lalake.

"Sabagay, matapang na dalaga 'yang si Nixie. Nagmana sa Mommy niya." sabi ni Mommy.

"Ahmm... sige, anak. Bababa na ako. Magpapahanda lang ako ng hapunan sa baba. Tapos sumunod ka na ah. Kapag natapos kang magbihis." dugtong ng Mommy ko.

"Ok, Mom." sagot ko.

Pagkababa ni Mommy, kinuha ko yung phone ko. Tinawagan ko si Thea.

"Oyy! Asaan ka?" panimula ko sa usapan.

["Nasa bahay, malamang. Ano? Bakit ka nga pala napatawag ha? Iniistorbo mo akong gumagawa ng assignments eh."] ang reklamador naman ng babaeng 'to.

"Kamusta naman yung dalawa?" tanong ko.

["Aba! Malay ko. Hindi naman tumatawag si Vince sa akin tsaka busy siguro yung dalawa sa paglalampungan sa kwarto. Hayaan mo na sila. Baka malay mo, mabuntis ng pinsan ko si Nixie."]

"Bruha ka! Ang sama ng utak mo noh? Baka gusto mong sugurin kita ngayon d'yan sa bahay niyo at iumpog ko sa pader yang ulo mo."

["Ano? Tumawag ka lang ba para awayin ako? Bababaan na kita."]

"Ano bang nakain mo at nasobrahan ka naman yata sa pagiging seryoso sa buhay?"

["Wala. Bukas ko na lang ikukwento sayo. Sorry kung sayo ko nabuhos yung inis ko. Tsaka stress ako ngayon, bestie. Baka pwedeng bukas na lang tayo mag-usap? Please?"] nakaka-curious naman kung anong nangyari sa bruhang 'to.

"Oh siya, sige. Ipahinga mo na lang 'yan. Pagod lang 'yan. Okay?"

["Opo. Good night, Dap-dap."]

"Good night, The-the (Te-te)."

Natawa siya bigla kaya kumunot ang noo ko. Anyare dito?

["Gago ka, Dap. Ginawa mo akong ari ng lalake. HAHAHAHAHAHAHA!"]

Natawa na rin ako nang marealize kong tama nga siya. "HAHAHAHAHAHAHA! Sorry naman daw. Sige na, hahaba lang ng hahaba yung usapan natin. Sige na, byeeeeee!"

["Byeeee! Kita-kits bukas!"]

"Sige, bye." sabi ko saka pinatay na ang tawag.

Inilapag ko ang phone ko sa mini cabinet ko na nasa tabi ng kama ko. Tumayo na ako sa kama at inayos iyon. Pagkatapos, bumaba na ako para i-check kung tapos nang makaluto at makapag-prepare ang mga maids namin.

Pagkababa ko ng hagdan, dumiretso ako sa kusina. Nandoon si Mommy at Daddy na tinutulungan ang mga maids namin sa paghahanda ng dinner.

Well, gusto ko ring i-share sa inyo na kasabay namin ang mga maids na kumain ng dinner. Hindi kami sabay na kumakain ng breakfast kasi minsan nauuna na si Mommy at Daddy na mag-agahan dahil nga may work sila.

Kaya minsan, ako na lang ang kasabay nilang kumakain. Wala naman kaming mga naging problema sa mga maids namin. Lahat sila masisipag. Minsan kapag napupuyat at nakikita ko silang maghapong pagod, palihim kong binibigyan sila ng dagdag na pera. Kumbaga sa mga binibigay ng mga customers sa mga crew ng isang restaurant, tips iyong mga binibigay nila.

Ganito ako pinalaki ng mga magulang ko. May malasakit sa kapwa. Handang gawin ang lahat, makatulong lang kami sa mga nangangailangan ng tulong namin.

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon