5th

182 20 15
                                    

***

Vince's POV

•••

Papunta na kami ngayon sa beach ng Tita ko. Kakatawag niya lang kanina sa akin sa phone. Kinamusta niya yung biyahe namin ngayon. Sinabi ko na okay naman kaming tatlo. Tamang nood lang sa YouTube. Tamang open lang ng account sa TikTok, Facebook, Instagram, at Twitter.

Sa loob ng sasakyan, may sari-sarili kaming mundo. Walang kibuan. Ang tanging maririnig mo lang ay hilik ni Vian at tawa ni Vale sa pinapanood niya sa YouTube.

Ako? Nakaupo lang ako habang nakikinig ng musics na paborito ko. Isa na dito ang Crazy by Andrew Garcia.

Ewan ko ba. Basta nagustuhan at naging paborito ko lang siya. Feeling ko kasi kapag pinapakinggan ko ito, nare-relax ako. Alam ko na ang weird sa katulad ko kasi yung kanta tungkol sa love.

Matapos ang ilang minuto ng pakikinig ko sa mga paborito kong kanta, huminto na rin sa wakas ang sasakyan namin. Sigurado naman akong nandito na kami.

"Kuya, paki baba na lang yung mga gamit tapos samahan niyo kami sa loob para maipasok na sa kwarto namin lahat ng gamit na dala namin." utos ko sa driver namin.

"Opo, Sir." sagot nito.

Kaagad akong pumasok sa hotel na nasa tapat lang ng sasakyan naming van. Hindi na kami iba dito. Palagi kasing ito ang tambayan ko noong bata pa ako. Kapag wala akong magawa sa bahay, pumupunta kami ng kapatid kong babae dito.

Wala si Ate ngayon kasi nasa ibang bansa siya. Doon siya pinag-aral nila Mommy samantalang ako, sa isang private school na hindi sosyal.

Saka ko na lang siya ipapakilala sa inyo. Hindi muna ngayon. Ang importante ngayon ay ang araw na 'to kung kailan kami magba-bonding na tatlo.

Wala akong idea kung paano ang magiging kalagayan namin mamaya pero sinisiguro ko na magiging masaya ang gabi namin dito. Sana lang ay hindi ako ma-bad trip para hindi sayang ang pagpunta ko rito.

Ilang sandali pa ang lumipas, nakarating na rin kami sa wakas sa mga kwarto namin. Private rooms ang tatlong kinuha namin na pagtutulugan. For VIP only.

Lumabas muna kami ng hotel. Boring sa loob kahit na maganda ang pagkakaayos ng rooms. Mas cool siguro kung manonood kami ng shows sa labas mamayang gabi or gagawa ng activities ngayon para hindi kami ma-boring.

"So, anong uunahin natin? Beach volleyball ba o Banana boat riding? Or kumain na lang?" sunod-sunod na tanong sa amin ni Vale.

"Kakain muna ako. Kanina pa ako gutom eh." sagot ni Vian sabay himas sa tiyan nito.

"Tatambay muna ako dito sa bench." simpleng sagot ko.

May bench dito sa tapat ng mini hotel kung saan kami naka stay-in. Nasa ilalim ng dalawang coconut tree na hindi naman kataasan kaya malilim.

"Okay? Sige, maghahanap muna ako ng pagbibilhan ng souvenirs." kumunot ang noo ko nang dahil sa sinabi ni Vale.

"Ayos ka lang ba, Vale? Kakarating lang natin dito souvenirs kaagad ang bibilhin mo? Baliw. Sama ka na lang sa akin. Bili tayo ng makakain. Gutom na talaga ako eh." reklamo ni Vian.

"Eh bakit ba, Vi? Nangengealam ka sa gusto ko. Eh sa ayaw ko ngang kumain. Kung gusto mo, ikaw na lang kumain tutal maraming girls d'yan. Doon ka na sa kanila." reklamo naman nitong isa.

"Ay.. binibigay mo na pala itong bestfriend mo na sobrang cute. Kawawa naman ako..." sabi ni Vi saka nag pout.

"HAHAHAHAHAHA!" tawa ko nang makita ang reaksyon ni Vian.

Biglang naging seryoso yung mukha ni Vi nang makita niya akong tawang tawa. Ba't ba? Basta, natatawa ako sa mukha niya kanina.

"Eh kasi...HAHAHAHAHA...Eh kasi..HAHAHAHA! Yung pout mong hayop ka!..HAHAHAHAHAHA...AHAHAHAHA! Ang panget mo! Di mo bagay! HAHAHAHAHA!" mukhang napansin rin ni Vale 'yon.

"Oh tapos? Alam niyo, nakakahalata na ako eh. Trip niyo ba akong dalawa? Wala ba kayong ibang magawa sa mga buhay kaya ako itong pinagtitripan niyo?" hala siya.

"Alam mo? Ang drama mo. Umalis ka na nga sa harapan ko. Pinagtitripan ka ba namin? Hindi ugok! Sadyang feeling ka lang." dire-diretso kong sabi sa kanya.

"Pfft." halata sa mukha niya ang pagkainis.

"Bahala na nga kayo d'yan." singit ni Vale saka kami iniwan.

Dumiretso na ako sa bench at umupo. Nanonood ako ng mga naliligo at nagbi-beach volleyball. Wala ako sa mood na mag-swimming. Mas masarap magbabad kapag pahapon na. Hindi na masyadong maiinit.

Inilabas ko sa bulsa ko ang earphone at ang phone na dala ko nang lumabas ako ng kwarto kanina. Nagpa-tugtog ako ng music habang nakatingala at nakapikit ang mga mata.

Maya-maya pa'y may naramdaman akong tumabi sa akin. Dahilan para imulat ko ang aking mga mata at tumingin sa taong umupo sa tabi ko. Inalis ko ang pagkakasalpak ng earphones ko sa tenga ko at nag focus sa katabi ko ngayon.

Nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita.

Oh shit!

"Ang ganda niya!" sabi ko sa isip-isip ko.

"Ahmm... Hey! Ba't ka nakatitig sakin, Kuya?" napakurap-kurap ako sa itinanong niya.

KUYA?!

REALLY?!

KUYA TALAGA?!

EH HALOS MAGKAEDAD LANG TAYO AH.

KUYA?!? I DIDN'T EXPECT NA TATAWAGIN MO AKO NG GANON!

"Ku-Kuya?" takang tanong ko sa kanya.

"Opo."

OPO?!?

TAMA BA AKO NG PAGKAKADINIG?!

SINAGOT NIYA AKO NG OPO?!?

TSK! GANON NA BA TALAGA AKO KATANDA PARA SA KANYA?!?

"Tsk. Kuya talaga? Mukha na ba akong KUYA para sayo? Sa gwapo kong 'to? Magmumukha akong KUYA?!?" nakakainis na talaga ang babaeng 'to sa totoo lang.

Huh?!? Chill pa rin ang mukha niya.

Hindi ko maintindihan ang babaeng 'to. Hindi ko mabasa yung reaksyon niya kung naiinis na ba o may balak na hindi maganda.

"Okay. Kung ayaw niyong tawagin ko kayong KUYA,... MANONG na lang." sagot nito.

"Ahm.. sige po, MANONG. Mauuna na po ako ah. Bye!" dagdag pa niya bago umalis sa tabi ko.

Mas lalo pa akong nainis nang dahil sa isinagot niya.

MANONG?!?

Mas nagmukha na naman akong mas matanda kumpara sa mukhang KUYA daw ako kanina. ARGHH!!!

Nakakainis talaga! Bwisit!

Sana sumama na lang ako kay Vale kanina. Ang akala ko pa naman hindi na ako maiinis kapag nag-stay ako dito. Hindi naman pala.

At ngayon ko lang din nalaman na may babaeng ganon pala ang ugali na nag-eexist dito sa mundo? Tsk! Napaka-sarkastiko, ka-babaeng tao.

LOVE OUT LOUD - BS #1 [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon